Sara's Pov
We're on our way to Ilocos mag babakasyon kami ni Bong at nataon na birthday din ng kanyang Mommy...
After 3hrs nakarating na kami sa bahay nila Bong, pag pasok namin ng gate agad kong nakita ang malawak na garden nila at magagandang bulaklak...
Pagbaba namin ni Bong ng sasakyan ay agad kaming sinalubong ni Manang Imee..
"Hi Sara.. Kamusta kana?" bati ni Imee
"hello po Manang.. Okay naman po ako, kayo?" sagot naman ni Sara
"we're good.. Hali na kayo at kanina pa nag hihintay si Mommy.." aniya
Naglakad kami papasok ng bahay nila, magka hawak pa ang kamay namin ni Bong, ng biglang may sumalubong sa kanyang babae yumakap ito ng mahigit ky Bong dahilan ng pag bitaw nya sa kamay ko...
" Bongeeeettt..." sigaw nito sabay yakap
Tumaas ang kilay ko ng makita ko kung gaano sya maka yakap sa jowa ko..
"ayy grave girl ahh.. Jowa yarn? Sarap pag buhulin nyang buhok mo ehh.." inis na saad ko sa isip ko
"Hello Dawn long time no see.. How are you?" bati naman ni Bong at ngumiti
"ahh talaga Bong abot tenga ngiti ahh.. Humanda ka sakin mamaya" bulong ko
"I'm good Bong.. My god ang gwapo mo lalo ngayon.. Kamusta kana?" sambit nito habang malapad na naka ngiti ky Bong
Magka hawak ang kamay nilang dalawa kaya naiinis ako sarap putulin..
Nag uusap sila habang naka ngiti sa isa't isa, habang ako nakatayo na parang poste sa gilid..
" di man lang ako pinakilala ni bong.. Nakalimotan ata na nandito ako sa sobrang saya sa kausap nya.." bulong ko
"papasok ba tayo? O tatayo nalang dito sa labas" I said and rolled my eyes
Kukunin sana ni Bong ang kamay ko pero iniwas ko ito.. Bigla naman sumulpot sa pintuan si Irene..
" Hoy.. Pasok na kayo dito mamaya na yang chikahan nyo.." sambit nito
Nawalan ako ng gana bigla dahil sa inasal ni Bong..
Pag pasok namin sa bahay nila Bong ay binati naman agad ako ni Mama Meldy, yun dw ang itawag ko sa kanya..
"Hello Sara my dear.." sambit nito at bumeso sakin
"Hi po Mama Meldy.." asik ko at pilit ngumiti
"halina kayo at kumain na tayo.." pag aaya ni Manang Imee
At nag tungo naman kami sa dinning table nila, hindi ko kinikibo si Bong tutal masaya naman sya kausap yung Dawn nya.. Bahala sya!!
Tahimik lang ako habang kumakain, habang yung Dawn naman chika ng chika..
Hindi kami magka tabi ni Bong dahil si Dawn ang nasa gitna namin..
Sinisipat ko lang silang dalawa habang masayang nag kwentuhan, parang nawalan ako ng gana kumain..
Pagka tapos kumain ay pumunta kaming lahat sa garden nila bong, may maliit kasi silang kubo doon na pwedeng tumambay..
Nasa kubo na silang lahat habang ako naman ay lumihis ng daan, pumunta ako sa medyo malayong part ng garden nila sobrang ganda kasi ng mga bulaklak..
May nakita akong upuan kaya umupo nalang ako habang pinag mamasdan ang mga bulaklak, meron din kasing mga paru-paro na lumilipad..

YOU ARE READING
I'm Yours (Book 1)
FanfictionNote: fictional lang po ang mga character sa istoryang ito, wag masyadong seryusohin.. Hahaha ✌️👊❤️💚 Sana magustuhan nyo.. 😊