Last Chapter: Bestfriend Wedding

7 1 0
                                    

"Anya!" Sabay-sabay nilang tawag kay Anya habang kumakaway.

"Kamusta ka na friend? Ang laki ng iginanda natin wa? Nahiyang?", tanong niya kay Anya ng makalapit dito.

"Super namiss ka namin.", si Dens.

"Oo nga best." Sangayon naman ni Dawn.

Nag-group hug silang magkaka-ibigan.

"Girls, mabuti pa ituloy nyo na lang ang pagkakamustahan nyo sa bahay. Tara na." Aya sa kanila ni Seth daddy ni Anya.

Nagkakadramahan na kasi sila doon sa air port kaya mas mabuti nga sigurong doon na nila ipagpatuloy sa bahay nila Anya, ang dami kasing taong nandoon. At agaw eksena pa sila kung doon sila magdra-dramahan kahit sabihin pang sa paligid din nila may mga nag-iiyakan na din.

"At ayun nga kaya kami umuwi ng pilipinas ay para makilala ko ang Fiance ko.", pagkwe-kwento ni Anya.

"Anya..", nakikisimpatiyang tawag ni Francine dito.

"Mahal mo pa rin ba siya?", napatingin silang lahat sa nagtanong na iyon si Denice. Alam nilang lahat kung sino abg tinutukoy nito.

Malungkot na ngumiti si Anya. "Yung totoo? Lumala pa nga eh, kala ko makakalimutan ko siya. Haay! Ganoon talaga ang buhay, minsan hindi mapapasayo yung gusto mo, kaya sana matutunan ko mahalin yung mapapakasalan ko."

Naaawa sila kay Anya sa kalagayan nito ngunit wala naman silang magawa dahil "Wag kayong maawa sakin, Sariling desisiyon ko to..", iyan ang huling katagang sinabi ni Anya sa kanila.

Matapos ang kamustahan at kwentuhan nagpaalam na sila sa isa't-isa.

Ngunit wala pang isang linggo.. Nakakagulat na balita ang natanggap ni Francine.

"Wedding Invitation, niyo ni Miko!!!", gulat na react ni Francine sa dalawa, kay Miko at Anya na nagsadyang pumunta sa bahay niya para personal siyang imbitahin sa nalalapit na kasal ng dalawa.

"Eh kasi ganito France.", napapakamot sa batok na umpisa nito. "Kaya pala ayaw sabihin ni dad yung pangalan ng Fiance ko, kasi planado pala lahat.", taas kilay itong tumingin kay Miko.

"Oh? Bat ka nakatingin ng ganyan sakin? Wala din akong alam diyan nuh?", sagot naman ni Miko.

"Bat may sinabi ba ko? Para tinignan lang kita, tsk! Defensive, napaghahalatang guilty.", sabay irap nito kay Miko ngunit nakangiti.

"Wala naman talaga eh."

Napangiti na lang din si Francine ,alam niya na binibiro lang ni Anya si Miko. Sa bandang huli, nagbulungan yung dalawa at nagkikilitian and saying sweet thingy to each other.

"Hoy! Kung maglalandian kayo wag dito, hala tsupe! Doon kayo sa bahay niyo mag-ganyanan.", pagtataboy niya sa dalawa.

"Sama mo naman.", protesta ni Anya. "Basta umattend ka diyan, ikaw ang Maid of Honor."

"Eh bat kasi gagawin mo pala kong Maid of Honor? Hindi man lang ako ininform, nalaman ko lang kung kailan ikakasal na kayo wala pang concent ko diba nga.."

"Eh hindi pumayag si Denice at Dawn so wala ng choice kung di ikaw. Baka pagtinanong kita di ka rin pumayag kaya ayan, para surprise at di kana makatanggi.", nakangiting paliwanag ni Anya.

Tumikwas naman ang kilay ni Francine. "So ano gusto mo palabasin? Kung baga last choice? Wala ng mapagpilian kaya you end up choosing me ganun ba? At sila Denice at Dawn tinanong mo ako hindi?"

"Ito naman wag ka na magdamdam, actually kayong tatlo dapat Maid of Honor eh kaso bawal daw, dapat ite-text na kita nauna lang talaga magreplay sila Denice at Dawn na ayaw nila, te-text narin sana kita kaso naiisip ko din na di ka papayag kaya hindi ko na lang sinabi sayo. Haha.", paliwanag nito.

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon