Chapter 1;

93 2 0
                                    

Di ko akalaing magugulo ako ng ganito sa isang iglap lang ng dahil sa kaniya. Buhay nga naman kung sino pa ang taong ayaw mo sya pang nilalapit sayo. Nagmumuni-muni si Trake ng may makita siyang familiar sa kanya.

Lumapit siya dito. Siya nga!

"Hi" bati ni Trake dun sa babae ng makalapit na siya.

"Hi!" alanganing bati nito.

Madami sanang gustong itanong si Trake dun sa babae ngunit di niya alam kung paano maguumpisa.

"You are?" Tanong sa kaniya ng babae.

"Ouch naman! Araw-araw kang nandito at nanonood ng practice namin di mo man lang ako kilala?" Biro niya dun sa babae.

"Sorry."

Natawa si Trake. Mukhang sineryoso ng babae yung biro niya.

"It's fine." Napansin niya kasing nagtataka yung babae kung bakit siya natawa. "Im Trake." Pagpapakilala niya at inabot niya yung kamay niya sa babae.

Para pang nag-alangan yung babae kung tatanggapin yung kamay niya pera saglit lang yun at tinanggap din nito ang pakikipagkamay niya. "Anya." at sinabi din ang pangalan nito.

"Yeah! I know you, your Miko's best-friend right?" Pati ni Francine?..gusto sana niyang idugtong.

Bago pa nakasagot yung babae may nagsalita sa likod nila.

"Actually Im her boyfriend." Sabi nito at kinaladkad na paalis yung babae.

Napailing na lang siya nag 'bye' pa yung babae sa kanya bago ito tuluyang umalis.

Tsk! Naiwan ako dito sa gym kinaladkad ni Captain yung girlfriend niya daw makakaladkad naman. Over protective lang? Kala lalapain ko girlfriend niya. Kaya siguro aloof sa babae si Captain dahil may girlfriend pala masyado naman syang steak-to-one. Naupo siya. Di ko man lang natanong yung pakay ko. Nami-miss ko na siya.

Kaya nagpunta ang binata dun sa classroom ni Francine at nagbakasakaling baka andun pa ang dalaga. Ngunit bago pa siya tuluyang nakapunta doon sa classroom kaso may biglang humila sa jersey niya.

"I miss you honey!" Sabi sa kaniya ng isang magandang babae at bago pa siya nakahuma hinalikan na siya nito, kung sa ibang pagkakataon baka patulan niya yung pangfli-flirt ng babae sa kaniya kaso nga lang may ibang laman ang isip niya ngayon at bago niya pa matulak yung babae. Biglang bumukas yung pinto ng room na pakay niya at niluwa nun yung babaeng hinahanap niya si Francine! Andito pa siya! Kaya itinulak niya ng malakas yung babaeng humahalik sa kaniya.

"Hey! Ano ba?" React nito.

"Francine." Bigkas niya. Madilim yung mukha ng babae at pansin niya na parang galing ito sa pag iyak, nagulat siya ng ngumiti lang sa kanya si Francine at nilagpasan na sila.

Tinangka niyang sundan ito ngunit kumapit sa kaniya yung babaeng humahalik sa kaniya.

"Damn! Bitiwan mo nga ako!"inis niyang sabi dun sa babae.

"Why? Dont you miss me honey?"

"What the f*ck! I dont freaking hell know you!" Bulyaw niya dun sa babae.

"Why? Sino ba yung babae na yun at nagkakaganyan ka?"

"Wala ka na dun." Hinawakan niya yung kamay nung babae at pilit niya itong tinanggal sa damit nya at kumaripas siya ng takbo at hinanap si Francone para lang madismaya ng di niya ito makita.

"Sh*t lang!" Pinagpasyahan niyang umuwi na lang. Pumunta siya sa parking lot at sumakay sa kotse niya. Bukas ko na lang kakausapin si Francine. Binuhay niya na ang makina at pinaharurot paalis sa lugar na iyon ang kotse niya. Di nuya napansin sa isang kotse na may nakasakay na babae at ayun ay walang iba kung di ang hinahanap niya si Francine..

Damn! Bat ba ako apektado ng ganito sa nakita ko? Ganun naman talaga siya wa? At parehas lang kami! Pero bakit ganun? Apektado ako? Parang ipinamumukha nya talaga sakin na bali wala ako sa kanya! Na katulad lang ako ng mga nakafling niya! Pero ano pa ba ang aasahan ko sa kaniya? Diba nga isa lang namang malaking laro ang naging relation namin? 'Para sa kaniya? Eh sayo ba?' Kantyaw ng isang bahagi ng isip niya. Takte lang! Kaya kailangan ko talaga umiwas sa kaniya bago pa ako tuluyang mahulog ng lubusan sa kaniya! Kailangan kong ibalik yung dating ako! Kailangan kong isalba kahit yung pride ko! Pinunasan niya yung luha niya at sinabi sa sariling 'ito na ang huling pag-iyak ko!' Matapos mahimasmasan pinaandar niya na ang kotse at umalis na sa lugar na iyon.

---

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon