Chapter 33; The Truth

18 1 0
                                    

"I hate you.."

Mga katagang namutawi sa bibig ni Francine, parang piniga ang puso ni Trake ng marinig yun. Hindi pa siya nakakabawi ay nagsalita muli si Francine.

"But... I love you.." Napawi ang kirot sa puso ni Trake ng marinig yun. May fondness sa kanyang mata ng mapatingin kay Francine.

Naisip niya na marahil ay nagdaramdam parin sa kanya si Francine..

Sa mga oras na iyon gusto niyang yakapin si Francine, gawaran ng halik sa noo at humingi ng sorry dito kahit paulit-ulit in that way baka mapawi ang hinanakit ng dalaga sa kanya, ngunit dahil nagmamaneho siya hindi niya magawa.

---

"Susme! Ano nangyari kay Francine!" Bungad agad ng ina ni Francine kay Trake.

Hindi naman makasagot si Trake habang buhat-buhat niya ang dalaga papasok sa bahay nila Francine.

"U-uminon po." Nag-aalinlangang sagot ni Trake.

"Bakit?!" Intense na tanong nito.

"Ma, mamaya na po ako magpaliwanag panik ko lang po sa kwarto niya si Francine." Humihingi ng pang-unawang sagot ni Trake.

Nakaunawa naman ang ginang at tumango sa kanya.

Pumanik na si Trake upang madala sa kwarto si Francine at hindi na nag-abala pa ang ginang na sumunod sa kanila.

Nang ibababa na ni Trake si Francine mukhang naalimpulatan ito, pinilit nitong idilat ang mata ng bahagya.

"Trake.." Paos na anas nito.

Inayos ni Trake si Francine sa kama at kinumutan.

"Trake.." Tawag ulit nito sa kanya.

"Bakit?" Malambing na tanong ni Trake dito.

"Mahal mo pa rin ba siya?" Nakapikit na ulit si Francine.

Hindi tuloy malaman ni Trake kung nagsasalita ba ito ng tulog o gising ang diwa nito? Pero pinili niyang sagutin ang tanong nito.

"Wala na akong ibang mahal kung di ikaw lang." Anas ni Trake sa kaliwang tainga ni Francine.

"Mahal kita.." Garalgar na anas ni Francine.

"I know, mahal din kita."

"Mahal kita sobra! Pero bat ganun! Ang sakit! Niloloko mo lang pala ko." Parang lasing na anas ni Francine at Humikbi.

Nasasaktan naman si Trake sa nakikitang sitwasiyon ni Francine, pinunasan niya ang luhang namalisbis sa pisngi ni Francine.

"Kung ano man kasalanan ko Sorry, hindi ko rin alam yung sinasabi ni Denice tungkol sa hindi kita mahal, But I can assure you hindi totoo yun ang totoo mahal kita.. sobra.. at nasasaktan akong makita kang nasasaktan.. ng dahil sakin. Kaya sana hayaan mo kong magpaliwanag." hinalikan niya sa noo si Francine at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama.

Malalim na ang paghinga ni Francine hudyat na ito ay tulog na.

Bumaba na siya para harapin naman ang ina ni Francine.

Pagbaba niya naka-upo sa sofa ang ginang at talagang siya ang hinihintay. Sinenyas nito na maupo sa isang sofa agad naman siyang tumalima.

"Umpisahan mo ng magpaliwanag." Maautoridad na sabi ng ginang.

Humugot ng malalim na hininga si Trake.

"May hindi po kami napagkaintindihan ni Francine..." At kwinento ni Trake ang nangyari sa pagitan nila ni Francine, inumpisahan niya doon sa dahilan ng pagaaway nila tungkol kay Claire kaya kwinento niya yung magkasama sila ni Claire sa music room dahil iyon ang paghinanakit ni Francine sa kanya, nakita daw sila ni Francine na naghahalikan, at alam niya tanging sa music room lang siya hinalikan ni Claire at di niya ginusto yun. Mataman namang nakinig ang ginang.

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon