Chapter 23; First Date

14 1 0
                                    

"Kyaaaaaaa!!!! Talaga kayo naaaa??!!"

Sabay na tanong ni Dawn at Denice, makatili parang di college.

Nasa isang bench sila, maagang pinapasok ni Francine si Denice at Dawn para lang ikwento yung nangyari kahapon.

"Oo nga kulit!"

"Talagaaaa???" Si Dawn na kinikilig pa.

"Ay! Ewan!" Si Francine

"Eh ano na kaya nangyari sa girl kahapon?" Tanong naman ni Denice.

"Aba Ma at Pa! Malay ko at pakialam ko dun!"

"Sama nito!" Sabay tulak ni Denice kay Francine.

"Ako pa ngayon masama?"

"Kawawa naman yung girl, tinakot mo." Natatawang komento ni Denice. Sa halip na sagutin yung tanong ni Francine.

"Hehehe.. By the way tumatawag ba sa inyo si Anya?" Tanong ni Dawn.

"This past few days hindi, sabi niya kasi magiging busy siya we." Sagot ni Francine.

"Sakin din iyon sabi niya." Si Denice.

"Ganun din sakin. Haaay!! Kawawa naman yung Friend natin, bigo sa lovelife." Si Dawn

"Oo nga wi! Sana makahanap siya dun ng lalaking magpapatibok ulit sa kanyang puso." Si Denice.

"Sayang din sila ni Miko nu?" Nanghihinayang na tanong ni Francine.

"Ganun talaga we, may mga taong itinakda talaga para satin. Anong malay natin baka magkatuluyan din yung dalawang yun, kung sila talaga para sa isa't-isa--"

"Gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para magkatuluyan sila!" Agaw ni Francine at Denice sa sinasabi ni Dawn.

Nagkatawanan na lang silang tatlo.

"Mag dilang anghel ka sana Dawn. Grabe talaga ang pangungulila ni Anya nun nung mawala si Miko. Saksi tayo sa paghihirap niya." Napatangu-tango na lang si Dawn at Denice sa sinabi ni Francine.

"Nakakamiss na din siya." Malungkot na pahayag ni Denice.

"Oo nga we." Sang ayon ng dalawa.

"Uy! Ayan na si bhe-bhe mo! Ayiiieee." Buska ni Dawn kay Francine ng makitang papalapit sa kanila si Trake.

Napalingon naman si Francine at Denice sa tinutukoy ni Dawn.

"Goodmorning girls." Bati nito sa kanilang tatlo ng makalapit na.

"Goodmorning." Balik bati ni Dawn at Denice.

"Para kay Francine ba yan?" Tukoy ni Denice sa hawak ni Trake na tulips. Tumango lang si Trake tas bumaling kay Francine.

"To my beautiful girlfriend." Sabay abot kay Francine ng bulaklak.

"Yiiiiieeee.. Sweet naman wooo!!" Kinikilig na sabi ni Dawn at Denice.

Namumulang tinanggap yun ni Francine.

"Sa-sala-mat." Mahina at nahihiyang sabi ni Francine.

"Dito ka na Trake." Tumayo si Dawn at pina-uupo dun si Trake sa inupuan niya. Tumayo na din si Denice para mapa-upo si Trake.

"Iwan na namin kayo wa?" Paalam ni Denice.

"Ha? Teka! Sandali! Sabay sabay na tayo." Pigil ni Francine sa dalawa.

"Wag na kayo na lang ni Trake magsabay." Ngiting-ngiting sabi ni Dawn. At tuluyan ng lumayo yung dalawa naiwan si Francine at Trake.

"Bhe?" Tawag ni Trake kay Francine.

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon