Chapter 17; Tingles

17 1 0
                                    

Nilibot ni Francine ang paningin niya, nasa front gate siya ng university, at papasok na siya, may hinahanap siya..

1st yr College na siya ngayon ang bilis talaga ng panahon. At madami ng nagbago. Tulad ng mga kaibigan niya luma-lovelife na.

Nakakalungkot lang umalis na si Anya nagdamdam silang magkakaibigan dito kasi di man lang nagpaalam at basta-basta na lang umalis. At nalaman nila ng tumawag ito sa kanila para sabihing nasa ibang bansa na ito, ngunit naunawaan na naman nilaang paliwanag nito, maganda rin naman ang magiging kinabukasan nito sa ibang bansa, sila kasing tatlo nila Dawn at Denice ay mas gusto na dito na lang magcollege kesa sa ibang bansa.

"France!" Tawag sa kanya ni Denice mula sa likod.

"Oh?" Nakatingin lang siya sa harapan niya.

"Nandito na kaya si Dawn?" Tanong nito at subay na sa paglalakad niya.

"Ewan ko lang." Sagot niya. Hindi parin siya tumitingin dito may hinahanap kasi siya.

"Ano kaya next lesson natin sa trigo? Sana walang chapter test, ang sakit kaya sa ulo!" Hinaing ni Denice.

"Tsk! Sisiw lang yan!" Oh! Sige siya na mayabang!

"Hush! Palibhasa magaling ka sa math!" At inirapan siya ni Denice.

"Kunwari ka pa eh mas magaling ka naman sakin sa lahat ng subject wa?" Sabi niya dito.

"We?"

Natawa na lang si Francine, masyadong pahumble si Denice, magaling din naman sa math si Denice kaso mas magaling siya, pero iyon lang lamang niya kay Denice sa lahat ng subject mas magaling to sa kanya, kung baga siya average lang si Denice above average. Oh eh di si Denice na!

"Dens, France!" Tawag ng palapit sa kanila na si Dawn.

"Oh? Eto na pala si Dawn eh!" Si Denice.

"Kanina ka pa ba dito?" Tanong niya.

"Oo." Sagot nito.

"Naku! Palibhasa kasi may lovelife eh kaya maaga pumapasok para makita si your honey your love so sweer eh!" Pagkatapos sabihin yun ni Francine tumawa siya pati si Denice natawa din.

"He! Tumigil nga kayo!" Saway ni Dawn sa dalawa.

Haha. Iyon kasi tawag ni Dawn sa kanyang boypie. Nabuking we! JOURNAL pala niya yung lagi niyang dala-dala na notebook. Ayun nabasa kaya nabuking. Pero dahil sa kapabayaan niya dahil naiwan yung Journal niya kuno, eh nagkaroon siya ng lovelife. Kaya masaya ako para sa kanya. Nagbago na din pananamit niya, ala na din siyang salamin kung di nagco-contact lens na lang siya. Tinignan na lang ni Francine si Dawn na nakasimangot.

"Naku! Wag ka nga sumimangot sige ka baka magka-wringkles ka iwanan ka ni fafa Clark." Inis pa dito ni Dens.

"Tse!" Sabay ungos dito. Napatigil sa paglalakad si Dawn, tapos yung pagkasimangot niya napalitan ng ngisi. Naku! Mukhang may plinaplano si Dawn! Napatingin na din si Francine sa harapan niya, kaya pala. Napangisi na din siya, si Denice naman ngayon ang nakasimangot. Ng makita kung sino palapit sa kanila.

"Haha! Mukhang umaayon sakin ang tadhana! Bwahaha." Inis dito ni Dawn. At tumawa ng nakakaloko.

"Bye! Mama Dens andito na pala si suitors, haha. Wag ka na pakipot sagutin mo na, buti nga may nagkamali pa sayo we." Pangiinis dito ni Dawn.

"Magtigil ka ng Dawn!" Ngayon si Denice naman ang inis.

"Oppps! Mukhang kailangan ko kayong bigyan ng privacy wa? Hahaha.." Gatong pa ni Francine at sabay na iniwan ng dalawa si Denice.

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon