Chapter 22; Girlfriend

19 1 0
                                    

Nangingiti si Francine na pumunta sa canteen. Bibili na lang siya ng juice in can.

Asawa daw oh! Sira talaga yung lalaki na yun! Napapailing iling na lang si Francine pero di maikukubli ang mga ngiti sa kanyang labi. Aminin kinilig siya sa sinabi ni Trake.

"Aray!"

"Ay! Sorry miss di ko sinasadya nagmamadali ako we." At umalis na yung babae, ni hindi man lang pinagtuunan ng pansin si Francine.

Nabunggo kasi siya ng nagmamadaling babae wi, di niya kilala, pero di naman siya nasaktan sadyang nagulat lang siya sa di sinasadyang pagbangga sa kanya ng babae.

Nagpatuloy na lang siya sa paglakad papunta sa canteen at bumili ng Inumin.

Ngunit pagbalik niya sa gym, nakakarinding boses ng babae yung narinig niya!

"Miss! Sorry pero di kita kilala." Mahinahon na sabi ni Trake dun sa babae.

"Sweetheart naman si April to! Dont you remember me?" Maarte nitong sabi sabay yakap kay Trake.

"Sorry talaga pero hindi we!" Pilit binabaklas ni Trake yung mga braso ng babaeng nakayakap sa kanya. "Miss pwede mo ba akong bitawan baka kasi dumating girlfriend ko magalit yun!" Mariin niyang sabi! He's trying to be gentleman, alright?

"May girlfriend ka? Pano naman ako heart?" Imbes na bumitaw mas lalo pang humigpit yung pagkakayakap nito.

"Miss pwede--" di na natuloy ni Trake yung sasabihin niya heto't galit na galit na pasugod si Francine sa kanilang dalawa, the good thing is hindi pa siya nakikita ng babae dahil nakatalikod ito sa kanya at si Trake naman ang nakaharap sa kanya. Ayun namumutla pa ata!

Hinablot ni Francine yung braso ng babae at pinilit iharap sa kanya.

"Aray! Ano ba! Ang sakit nun wa!" Galit na sabi nung April.

"Kung ayaw mong masaktan layuan mo yung boyfriend ko!" Mariing sabi ni Francine dito, nagbabaga ang mga matang tinitigan niya yung April wari namang nasindak ito, dumistansya sa kanya ng konti.

"Boyfriend mo siya?" Taray tarayan na tanong nito.

"OO!" Sagot ni Francine, ngumisi naman si higad este April.

"Di kayo bagay!" Nanunuyang sabi ni April.

"Malamang! Pantanga lang? Hindi talaga kami magiging bagay dahil TAO kami!!" Bara ni Francine, natameme naman ito. Habang si Trake walang imik.

"What I mean is hindi kayo bagay na boyfriend at girlfriend! Like duhhh!! Pangit mo kaya!" Paliwanag ni April matapos mahamig yung sarili, pilit na buni-build up yung pagka-barado niya.

"Hindi talaga kami bagay na magkasintahan lang! Pangwife material kaya ako! Tska ako panget? Like duhh din!! Anu na itsura ng maganda kung pangit ako!" Asar na sagot dito ni Francine!

Tawagin daw ba kasi siyang pangit! No! No! Sa kanya yun nuh! Alam ba ng babae nato kung ilang lalaki na ang lumuha ng dahil lang sa kanya.

Natameme ulit si April, nanggigigil na sa pagkapahiya. Si Francine naman parang gusto ng tirisin na parang kuto si April. Natigilan si Francine.

"Teka! Pamilyar ka sakin wa! Oo ikaw nga! Ikaw yung babaeng bumangga sakin sa corridor ah! Kanina pa kita hinahunting eh! Small world hu?! Kailangan mong pagbayaran yung atraso mo sakin! Alam mo bang wala pang bumubungo sa kagandahan nato ha?!" Kuno eh nagdidilim ang mukha ni Francine, naninindak ang mga nanlilisik niyang mata. Tska syempre joke lang yung hinuhunting niya tong babaeng nasa harapan niya, matakot lang ng very light baka tumalab. "It's pay time!" Ngumisi si Francine, nililis yung manggas ng blouse niya, pinatunog-tunog yung daliri sa kamay. Napansin niyang parang nawala sa komposure si April, parang nasindak sa ginawa niya.

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon