Chapter 27; Silent War

19 2 0
                                    

"Im Claire Ortega, nice to meet you all."

Siya!

Hindi makapaniwalang saloobin ni Francine, ganun din si Trake.

Ilang sandaling natulala si Francine.

"Miss Ortega maupo ka na dun sa tabi ni Mr.Sandoval."

"Thank you po sir." At naglakad na si Claire patungo sa tabi ni Trake.

Habang natauhan naman si Francine, nagngingitngit siya sa isiping makakatabi nito si Trake. Nakakagigil, lalo na ng tumingin ito aa gawi niya at nakakalokong ngumisi lang sa kanya. Nakuyom niya ang kamay niya, pakiramdam niya may plinaplanong pakulo ang babaeng ito! Of all people! Bakit ang babaeng ito pa ang makakaklase nila! At sa dami ng university na pwedeng pasukan bakit dito pa sa St.Sebastine University?! Kainis!

Habang nagklaklase, balisa naman si Francine palingap-lingap siya kay Trake o sa mas tamang sabihin kay Claire. Nakabantay siya, pakiramdam niya kasi parang walang mabuting maidudulot si Claire sa relasyon nila ni Trake.

Natapos lahat ng klase nila wala namang ginawang kahina-hinalang hakbang si Claire, ang nakakainis lang halos lahat ng subject kaklase nila si Claire.

"Bhabes?" Tawag ni Trake kay Francine, habang nagmamaneho.

"Hmmm?" Nakatingin lang sa labas ng bintana si Francine.

"Anong iniisip mo?"

Napabuntong hininga si Francine.

"Ala." Nakatingin parin siya sa labas, namagitan ang katahimikan.

"Wala kang dapat ipagalala kay Claire, she's just my past, tapos na kami at ikaw na ang mahal ko so dont be bother." Pahayag ni Trake na parang alam na ang saloobin ni Francine. Tumingin lang sa kanya si Francine, then nginitian siya ni Francine, nagpapahiwatig na okey lang siya..

"I know.. Hindi ko lang maiwasang matakot.." Pagamin ni Francine sabay iwas ng tingin.

"Para saan naman?" Taka nitong tanong.

Hindi ko alam! Basta natatakot ako! Sa di ko maipaliwanag na dahilan! Sinarili na lang ni Francine ang saloobin niya ata tumahimik na lang.

Narinig niyang bumuntong hininga si Trake ng walang makuhang sagot sa kanya.

"Okey kung ano man yang  kinakatakot mo, I tell you, wala kang dapat ikatakot. I love you.." Tapat na sabi nito.

Naramdaman ni Francine ang paghawak ni Trake sa kamay niya at marahan iyong pinisil.. Giving an assurance na wala nga dapat siyang ikatakot, that she's safe sa tabi nito. At ang gesture na iyon ni Trake ang nagpapawala ng mga alalahanin niya dahil pakiramdam niya wala siyang dapat ikatakot basta nasa tabi niya si Trake.

"Bye! Ingat." Paalam ni Francine matapos siyang gawaran ng halik ni Trake sa pisngi at bumaba na sa kotse.

"Bye! Goodnight." At pinaandar na ni Trake ang kotse paalis sa bahay nila Francine matapos itong ihatid.

---

"Siya ba yung Claire?!" Tanong ni Denice kay Francine. Magkatabi sila, habang nagsusulat sa chalk board ang prof nila, pinaguusapan naman ni Francine at Denice si Claire.

Tumango lang si Francine at tumingin din sa pinaguusapan nila.

Ngiting-ngiti si Claire habang nakikipag-usap sa katabi nitong lalaki. At naiinis si Francine sa isiping masaya ito, parang gusto niya itong wakasan ng kasayahan. Ngunit wala namang dahilan para gawin niya iyon at wala rin naman ginagawa 'pang' masama yung tao, kaya di maintindihan ni Francine yung sarili kung bakit siya naiinis kay Claire, o sadyang mabigat lang ang loob niya dito?

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon