Chapter 7; The Decision

34 1 0
                                    

Sabado- Evergreen Highschool

Habang naguusap-usap ang mga basket ball team sa gagawing booth. Si Trake naka tanga lang, lumilipad ang isip..

"Ok sige! It's decided kiss booth na! O masaya na kayo?" Tanong ni Miko sa mga kateam niya.

"Yes!" Tuwang-tuwa namang sabi ng mga kateam niya. Yung iba napasuntok pa sa hangin.

Nabalik ang attension ni Trake sa mga kateam niya.

"Oh! Tara na gawin na natin yung booth!" Aya ni Miko, captain nila.

At inumpisahan na nilang gawin yung booth. Lumayo sandali ang Captain nila sa kanila at napansin iyon ni Trake. Nakita niyang may kausap itong babae dun sa bungad ng gym. Yung president ng school nila. At ng mukhang tapos na itong mag-usap dahil pabalik na ang Captain nila siya naman ang umalis.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito kay Trake ng makasalubong.

"Saglit lang Captain may kukunin lang ako sa locker ko."

"Sige bilisan mo lang ah? Bumalik ka agad."

"Sige!" At humakbang na siya ng malalaki, hindi siya pupunta sa locker niya at lalong wala siyang kukunin sa locker niya dahilan niya lang yun dahil ang pakay niya kausapin yung president nila..

"Miss!" Tawag niya ng makita niya na yung pakay niya. Ngunit di man lang ito lumingon.

"Miss!!" Tawag niya ulit. This time lumingon na ito sa kanya. Huminto ito sa paglalakad siya naman lumapit dito.

"Ako ba tinatawag mo?" Tanong nito.

"Oo.."

"Bakit? Ano kailangan mo sakin?" Nagtatakang tanong nito.

"Kasi Miss-- ahh.. Dawn tama?" Tanong ni Trake dito, parang pangit kasing pakinggan kung tatawagin niya lang itong 'Miss' eh may pangalan naman ito. Tumango lang ito.

"Ah.. Kasi.. Ano.." Nagaalangan siyang magtanong. "Sh*t pano ko ba itatanong?" Tanong niya sa sarili niya. Ngunit naibulalas niya. Tinignan lang siya ni Dawn.

"Ah.. Ano kasi.. Si Francine.. Ano?" Nahihiran niyang sabi. Mukhang di niya kaya magtanong tungkol kay Francine.

Ngunit mukha namang naintindihan ni Dawn ang gusto niyang itanong.

"Gusto mo bang magtanong tungkol kay France?" Nangunot ang noo ng binata.

"I mean si Francine." Napatango-tango ito. Mukhang nagets ng binata na France ang tawag niya kay Francine.

"Hindi ko alam kung ano ka niya, pero sa tingin ko may kinalaman ka kung bakit kakaiba ang kinikilos ni France nitong nakaraan.." Tinignan siya ng binata. Napabuntong hininga si Dawn. "Di ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero baka makatulong sa inyong dalawa to. Alam mo ba ang dahilan kung bakit naging mapaglaro sa pagibig si France?" Direktang tanong nito.

Nabigla ang binata di niya akalaing may dahilan din pala si Francine kung bakit naging mapaglaro sa pagibig.

Mukhang naintindihan naman ni Dawn ang pagkabigla niya at kwinento na nito ang dahilan..

Nakatayo parin siya doon sa corridor habang kanina pa umalis si Dawn.

Hindi niya akalaing may malungkot na nakaraan si Francine, akala niya'y isa lang itong spoiled brat na anak na lahat ng gustong gawin ay malayang nagagawa, ngunit meron pala itong madilim na kahapon, merong dinadamdam.

Sa natuklasan niya nakadama siya ng simpatya dito at the same time naiinis siya sa sarili niya kasi ginatungan niya pa ito, ginatungan niya pa ang sakit na nararamdaman nito.

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon