Chapter 36; The Revelation

25 1 0
                                    

"Just leave me in peace..", malamig ang boses na sabi ni Francine.

"I dont need your explanation, you hurt me too much and that's enough..", napansin ni Trake na nagiba ang timbre ng boses nito.

"Just leave me alone, ayoko ng makita ka! Lalo lang akong nasasaktan kapag nakikita ko yang pagmumukha mo! Layuan mo na ko please lang!", tumulo ang luha ni Francine, gusto sanang yakapin ito nu Trake at punasan ang mg luha ngunit nagaalinlangan siyang gawin iyon dahil baka magalit lang ang dalaga, at ang mga sinabi nito ay lubhang naka panakit sa kanya, parang dinakma ang kanyang puso at piniga ng sobrang diin.

"Francine..", tanging nabigkas niya na lang, in the end unti-unting lumuwag ang hawak niya kay Francine at hinayaan niya na lang itong umalis.

Nasundan niya na lang ng malungkot na tingin ang nagmamadaling si Francine.

Francine.. sobra sobra na kong nasasaktan sa ginagawa mo, kung sana'y kahit papano bigyan mo ko ng pagkakataong magpaliwanag, ngunit masyado na atang binubulag ng galit ang iyong puso, ano ba ang dapat kong gawin para pawiin ang galit na bumabalot sa iyong puso? Francine.. Francine.. Kung alam mo lang kung gano ko nasasaktan sa nangyayari sa ating dalawa.

Laglag ang balikat na umalis na si Trake, hindi siya papasok, masasaktan lang siya lalo sa klase ng pagtrato sa kanya ni Francine..

Parang gusto ko ng sumuko..

--

Palingap-lingap si Francine habang palabas ng skwelahan, may hinahanap siya na hindi niya nakita sa buong klase nila, ngunit kahit saan siya bumaling hindi niya makita ang taong hinahanap.

Hmp! Ano bang paki ko sa lalaki na iyon! Tanggi ng utak niya sa kanyang nararamdaman. Ows? Wala ka nga bang pakialam sa lalaking iyon? Kaya pala kanda bali na ang leeg mo kakahanap sa kanya, bat di mo na lang kasi aminin na na-miss mo siya? Pakipot ka pa eh! Kantiyaw naman ng isang bahagi ng utak niya.

Hmp! Hindi rin no! Galit ako sa kanya! Isa siyang manloloko! Kontra ulit niya sa sarili at pilit nagpapaka impokrita kahit alam naman niya kung ano talaga ang totoong nararamdaman niya ngunit pinagtatakpan parin ang katotohanan. Niloloko niya lang ang sarili niya.

Nagpasiya na siyang umuwi ng bahay para lang madatnan na naroon na ang kanyang ina at may kausap itong isang babae na kasing edad lang ata ng ina niya, at parang pamilyar sa kanya ang babae. Parang masyadong seryoso ang pag-uusap ng dalawa na halos hindi ata namalayan ang kanyang pagdating.

"Mom!", tawag niya sa ina para pukawin ang pansin nito at malamang naroon na siya.

"Andiyan ka na pala.", alanganin itong napangiti sa kanya.

Lumapit siya sa ina para gawaran ito ng halik.

"Maupo ka Francine.", malumanay na sabi ng ina niya sa kanya at agad naman siyang naupo sa tabi nito.

"Siya na ba si Francine? Napakaganda pala ng anak mo.", nakangiting puri nito sa kanya.

Napatingin siya sa babae, kahit may kulubot na ang mukha na hindi naman agad pansin dahil bakas parin dito ang kagandahan na tiyak na maaakit ang isang lalaki.

"Hi po.", magalang niyang bati dito, bat pakiramdam niya may malaking kaugnayan sa kanila ang babaeng nasa harapan niya.

"Mabuti naring nandito ka, para malaman mo ang totoo."

Napatingin siya sa ina niya, tama ba siya ng pakiramdam? Na parang malungkot ang tinig nito?

"About what mom?", nakangiti niyang tanong upang mawala ang kabang bumabalot sa kanya.

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon