Chapter 3; The game

47 2 0
                                    

FLASHBACK...

"Break na tayo."kalmanteng sabi ni Francine sa lalaking kasama niya sa park.

"What?"gulat na tanong ng lalaki sa kanya."Para kahapon lang naging tayo?"nanlalatang sabi nito.

"Sorry but I dont like you anymore. Kilala mo naman ako diba?"nagdilim yung mukha ng lalaki sa sinabi niya.

"Wag mong gawing laro ang pag-ibig Francine!"mariing sabi nito. "Dahil baka paggising mo isang araw makarma ka sa ginagawa mo!"nagkibit-balikat lang si Francine.

"May kasunduan tayo diba."sabi niya dito at iniwang itong di nakaimik. May kasunduan silang pagnatuklasan nilang wala silang feelings sa isa't-isa malaya silang kumawala sa kanilang relasyon basta sasabihin lang nila.

Napahinto si Francine sa paglalakad ng may narinig siya tumingin siya sa kanan niya kung saan nanggagaling yun ng nakita nya tingin nya couple yun na may LQ, nakatalikod sa kanya yung lalaki habang yung babae naman ay natatakpan nito. Magtutuloy na sana siya sa paglalakad ngunit napahinto siya ng marinig niya yung usapan.

"Let's call it quits."sabi ng lalaki dun sa babae. Parang siya lang yun kanina wa? saloob-loob ni Francine.

"What?" React ng babae.

Natawa si Francine sa sarili niya kasi parang yung babae eh katulad ng reaction nung lalaking kabrebreak niya lang kanina.

"Your not good enough honey!"

Nangunot yung noo ni Francine habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

"What are you talking about?" Nagtatakang tanong ng babae dun sa lalaki.

"Your not a good kisser honey. Para kasi akong humahalik sa tuod."pabaliwalang sabi ng lalaki dun sa babae.

Tumaas ang kilay ni Francine habang nakikinig. Walang dudang isang play boy ang lalaki na ito! sa hinalang iyon ni Francine nakaramdam siya ng inis dun sa lalaki.

"How dare you!"galit na bulyaw ng babae dun sa lalaki, halatang nainsulto ito sa sinabi kanina ng lalaki. Sinampal nung babae yung lalaki at bago ito tuluyang umalis nag-iwsn to ng mga katagang "makakarma ka din!". At tuluyan ng umalis yung babae.

"Pesteng babae yun! Sampalin daw ba ako?!"inis na sabi ng lalaki, habang hawak yung pisnging sinampal nung babae at tumalikod na ito para umalis ng matigilan ang lalaki ng makitang si Francine ay nakatingin sa kanya ilang dipa pa ang layo at hinuha ng lalaki ay kanina pa andun si Francine at nakikinig.

Siya! Gulat na sabi ni Francine sa sarili, nakilala nya ang lalaki, sino ba naman ang hindi makakakilala sa lalaking ito kilalang-kilala kaya siya sa school namin.

"So well bakit kaya andito ang Casanova Princess?"tanong ng lalaki kay Francine.

Syempre kung kilala ko siya, siguro naman kilala nya din ako! Tama siya tinagurian ako ng schoolmates ko as 'Casanova Princess' at ang lalaking nasa harapan niya walang iba kung di si Trake Sandoval ang tinagurian namang 'Casanova Prince' sa madaling salita pareho kaming mapaglaro sa pag-ibig.

"Well? Ano ba ginagawa sa park? Namamalengke?"bara niya kay Trake

"Oh? Akala ko kasi pasyalan to." nakangising saad naman ni Trake

"Ano sa tingin mo?"

"Alam ko pasyalan to."

"Oh! Eh alam mo naman pala nagtatanong ka pa!"pagtataray ni Francine.

"Sabi mo kasi namamalengke we!" nakangisi ito. Aba namimilosopo pa wa!

"Ay! Ang SLOW kaya nga tinawag na park diba? Kasi pasyalan!"

"Oo nga yun din alam ko wi."

Ay!oh sige wala nakong sinabi! Baka maubos lang pasensya ko! Tinalikuran na lang ni Francine si Trake at maglalakad na sana siya ng magsalita ulit to.

"Bakit kaya mag-isa ang Casanova Princess? Iniwan kaya siya ng boyfriend niya?" parinig nito.

Hinarap ito ni Francine. "Hoy! For your information! Ako ang nang iwan hindi siya!" Tinignan niya ito balak niya sanang ibalik yung tanong dito na "eh ikaw? Bakit mag-isa ka?" Kaso naalala niya yung kanina.

"Alam mo na siguro kung bakit ako mag-isa? I bet narinig mo yung usapan namin kanina ng kasama kong babae?" aba mind reader wa? Inirapan na lang ito ni Francine at tatalikuran niya na sana ito ng magsalita ulit to.

"Tutal naman wala tayong kasama, sayang naman yung bihis natin kung uuwi lang tayo ng maaga 6:30pm pa lang. So why dont we enjoy our company?" tinignan ito ni Francine ng may pagtataka. Akalain mong makakatanggap siya ng ganung proposal sa lalaking ito.

"Well"humakbang si Trake palapit kay Francine "Why dont we give it a try?"

"Ang alin?"

"Well ano kaya ang pakiramdam na makarelasyon ang isang Casanova Princess?"

"Ano ba ang gusto mong palabasin?"

"Be my girlfriend and I be your boyfriend."

"What nasisiraan ka na ba?"

Nakakatol ba to? Oh di nabigyan ng gamot sa oras kaya kung ano-ano sinasabi?

"Ano malay mo baka magwork ang relasyon natin?"

Natawa si Francine sa sinabi nito.

Magwork? Dalawang taong mapag-laro sa pag-ibig magwo-work ang relationship? Nakatira ata talaga to ng katol!

Nangunot yung makinis na noo ni Trake "Anong nakakataw?"

"Ikaw! Naririnig mo ba sinasabi mo?"

"Of course may tenga ako wi!"

Okay barado ako dun wa?!

"Look mister! Wala akong panahon pag aksayahan ang mga kalokohan mo sa buhay! Kaya ang mabuti pa humanap ka na lang ng iba!"

"Baka naman takot ka lang mainlove sakin?"

Tinignan lang ni Francine si Trake at tinawanan ito. "Ako maiinlove? Impossible!" Di nga sya naniniwala sa love.

"Well? So it's a deal?"

"Deal!"hindi na sya nagdalawang isip na tanggapin ang hamon nito patutunayan lang ni Francine na hindi siya maiinlove dito tulad ng mga nagiging babae nito o sa kahit na sinong lalaki. At she have an evil plan running in her mind.

And that's how their game begine...

End of FLASHBACK...

---

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon