Chapter 18; Feeling shared

21 1 0
                                    

Naiiling na lang na umupo si Francine sa kanyang upuan habang nakatingin sa kanya ang mga kaklase niya. Eksaktong pagupo niya dumating yung professor nila. Naupo na lang din si Trake sa kanyang upuan.

Di akalain ni Francine na seryoso talaga si Trake na manligaw sa kanya.

FLASH BACK;

"Ewan ko, natatakot ako Trake! Natatakot akong magtiwala." At tumalikod na si Francine para iwan ito.

Sa mga oras kasi na ito baka bumagsak na ang mga luha niyang kanina pa nagbabantang mahulog.

"Mahal kita Francine." Huminto sa paglakad si Francine, at hinayaang magsalita si Trake habang nakatalikod siya dito. "Handa akong maghintay kung kailan handa ka ng magtiwala, hindi ako susuko patuloy parin kitang susuyuin para patunayang malinis ang intensyon ko sayo. Diba sabi ko totohanan na to?" Pumiyok ang boses ni Trake. "Handa akong magtiis kahit taon ang abutin Francine kasi ganun na kita kamahal, di ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito, basta paggising ko isang umaga mahal na kita, laging ikaw ang laman ng puso ko. Kaya hindi kita isusuko, hindi ako mapapagod hanggang sa makamit ko na yang matamis mong OO." Makatang sabi ni Trake.

Sa sinabing iyon ni Trake, humulagpos na ang luha niyang nagbabadyang mahulog.

Ang sarap sa pakiramdam na sabihan ka ng ganun diba? Lalo tuloy siyang nahuhulog at humahanga kay Trake sa mga sinabi nito.

Syemay lang kasi we! Eto nanaman yung pakiramdam na iyon na natatakot akong magtiwala! Naguguilty ako sa mga sinabi ko kay Trake.

Pinunasan niya yung mga luhang namamalisbis sa kanyang pisngi.

Shemay lang na mga luhang ito! Ayaw tumigil wo! Super natouch siya sa sinabi ni Trake.

Biglang may humila sa braso niya at naramdaman niya na lang may mga nakayakap na braso sa kanyang bewang at ang mukha niya ay nakabaon sa isang matipunong dibdib. Naamoy niya ang mamahaling pabangong gamit nito. Pakiramdam niya tuloy narerelax siya lalo na at nararamdaman niya ang init na sumisingaw sa katawan nito.

"Wag kang umiyak, nasasaktan akong makita kang ganyan." Bulong nito sa punong tenga niya at hinaplos haplos ang kanyang buhok.

Lalo siyang napaiyak sa sinabi nito.

"So-sorry!" Pumipiyok niyang sabi at lalo siyang nagsiksik sa dibdib nito.

"Shhhh.. Wala kang dapat ihingi ng tawad. Tahan na." Masuyo nitong saad.

"So-sorry, s-sa mga si-nabik kooh! Sorry tala-ga, nah ta-takot ka-si ako na mag-tiwa-laaah. Ayoko mangyari sa-kin yung nang-yari kay mommy, ini-wan kami ni daddy kasi may iba na siyang ma-hal." Pautal-utal niyang sabi. Mahal niya na si Trake pero may part of her na pumipigil sa kanya na mahalin ito. O dahil natatakot siyang sumugal? Pero yung pakiramdam niya ayaw niyang mawala sa kanya si Trake.

"Shhh.. Tahan na. Alam ko! Alam ko! naiintindihan kita." Full of sympathy nitong sabi, habang marahang hinaplos ang buhok niya.

"A-alam mo?" Nagtataka tong tumingala sa kanya.

Pinunasan ng binata ang mga luha niya.

"Oo, nakwento sakin ng kaibigan mong si Dawn, sorry kung nadagdagan ko yung sakit na nararamdaman mo wa?" Umiling-iling si Francine at sumubsob ulit sa dibdib nito.

"Wa-la kang kasa-lah-nan."

"Naiintindihan na kita kaya wag mong isipin na pinaglalaruan lang kita ha? Kasi alam ko yung pakiramdam na yan."

"Ta-laga?" Tumingin sa kanya si Francine at nanghihingi ng assurance.

Di napigilan ni Trake na dampia ng halik ang makinis nitong noo.

"Oo. Naalala mo ba si Claire?" Tumango lang si Francine, nagseselos ako dun, gusto niya sanang sabihin.

Natagpuan na lang ni Trake na nagkwekwento ng kanyang mapait na karanasan sa pagibig..

"Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit ako naging mapaglaro sa pagibig? Ipinagpalit niya ako sa ibang lalaki at inamin niya saking mas mayaman kasi ang lalaking iyon, sobra akong nasaktan kasi siya ang first love ko lahat inalay ko sa kanya pero binalewala niya yun ng dahil lang sa pera!" Bakas ang panggigigil sa boses nito. "Kaya ang tingin ko sa babae ay pareparehas lang na mga mangagamit? Ang mahalaga lang sa kanila ay mga materyal na bagay? At sorry to say this wag kang magagalit pero ganun din tingin ko sayo nung una pero kahit ganun ang tingin ko sayo hindi ko parin napigilan ang sarili ko na mahulog sayo at ng magtagal ang laro nating relasyon unti-unti kitang nakilala at natuklasan kong iba ka sa mga babaeng nakarelasyon ko na at ikaw ang dahilan kung bakit nagbago ang tingin ko sa mga babae na hindi lahat ng babae manggagamit, na hindi lahat materyosa? At isa ka na dun, kaya nagpapasalamat ako kasi dumating ka sa buhay ko."

Magkaparehas lang pala sila ni Trake kung bakit naging mapaglaro sila sa pagibig. Abd She feel Overwhelm sa mga sinasabi nito tungkol sa kanya. Bumalik yung dati niyang pakiramdam na pwede siyang magtiwala dito. Sana ganto na lang lagi yung nararamdaman niya. Sana mawala na yung part na pumipigil sa kanya para magtiwala, sa hindi na siya mag-doubt sa taong ito. Sana mawala na sa isip niya yung mapait na kahapon na laging gumugulo sa kanya.

"Sana yung takot ko na magtiwala mawala na." Mahina niyang sabi, ngunit dinig ni Trake.

"Wag ka magalala, tutulungan kita. Andito lang ako lagi sa tabi mo laging nakaalalay. Lagi kitang uunawain." Sincere nitong sabi. Tumango lang si Francine bilang tugon ilang sandali silang ganun.

Si Trake na ang kumalas sa pagkakayakap nila.

"Tara na! Baka hinahanap ka na ni mama."

Napangiti na lang si Francine at nagpatangay na lang kay Trake. Parang alang nangyaring umalis sila sa school buti na lang alang ganong studyante na sa stage kanina buti di sila pansin ni Trake habang nagdradrama siya.

END OF Flashback...

---

"Bhe tara na punta na tayo sa next class natin." Aya sa kanya ni Trake, wala na pala yung English professor nila. Wala man lang siyang naintindihan sa sinasabi nito. Tumayo na siya at hinayaang si Trake na hilahin siya patungong next sub nila.

BSBA din yung kinuha ni Trake.

At yung sinasabi niyang happy 5th monthsary? Limang buwan na kasi siyang nanliligaw iyon ibig sabihin nun. Pero kahit di nila aminin may Mutual Understanding sa kanilang dalawa.

Teka si Dens nga pala? Nakalimutan ko! Ay bahala na nga siya sa buhay niya! Matanda na siya! Hahaha.

---

Leiram;

So naintindihan niyo na po ba?

O hindi pa rin po? Hahaha.:D

Ey! Wala na tayong magagawa diyan.

Ay!sosrey!(means;sorry)..

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon