Chapter 34; Bitter or Moving on?

23 2 0
                                    

Masakit ang ulong bumangon si Francine sa kanyang higaan. Napapikit siya ng mariin ng sumigid ang sakit sa kanyang sentido.

Paano ba ako na kauwi?

Unang katanungang pumasok agad sa kanyang utak. Hawak ang kanyang noo, inalala niya ang nangyari..

Si Trake?

May naalala siya na nakita niya sa bar si Trake.. Sumunod ng dinala siya nito sa isang kotse. Nang masandal ang kanyang likod sa malambot na sandalan ng kotse nilamon na siya ng antok. Hanggang doon na lang ang naaalala niya.

Si Trake ba ang naghatid sakin?

Nakuyom niya ang kamao niya dahil sa panggigigil, halip na matuwa na hinatid siya ni Trake, naiinis lang siya. Ayaw niya ng magkaroon ng kahit anong kaugnayan kay Trake! Ang manlolokong lalaki na yon!

Umalis na siya sa kanyang higaan at bumaba patungong kusina.

"Goodmorning." Bati sa kanya ng ina niya na nagu-umagahan.

"Kain." Aya sa kanya ng ginang.

Walang kibong kumuha siya ng mangkok at kutsara, binuksan ang ref at kumuha ng cereal.

Tahimik siyang kumain.

Walang kibuan sa kanilang naganap.

"Si Trake ang naghatid sayo dito kagabi." Umpisa ng ginang.

Natigilan siya sa pagkain, so its confirm si Trake nga ang naghatid sa kanya. Napaismid siya at nagpatuloy na lang sa pagkain, na ihiling niya na sana'y di na magtanong pang-uli ang kanyang ina, baka kasi itanong pa nito kung ano nangyari sa kanya kagabi at wala siyang planong sagutin ang katanungan iyon.

"May tampuhan ba kayo ni Trake?"

Natigilan ulit siya sa tanong ng ina niya.

Pano niya ba sasagutin yon?

"Mom, wala na po kami." May lungkot sa kanyang tono ng sabihin iyon.

"Wala na?" Nagtatakang tanong ng ginang. Tumango siya sa ginang.

"Break na po kami." Diretso niyang sabi at nagpatuloy sa pagkain.

May pinongkirot at pagtutol sa kanyang puso sa katotohanang wala na sila ni Trake.

"Bakit naman?"

Napaangat yung ulo niya mula sa pagkain, eh bat ba mausisa ang kanyang ina?

"Mom basta mahabang istorya.." Paiwas niyang sagot.

"Im willing to listen." Determinadong sagot nito.

Walang lusot we? Mom ayoko ngang ikwento we, can't you read between the lines? Ayoko ng alalahanin pa yon! Tsk!

"Mom ayoko na pong pagusapan yun." Pagsasabi niya sa totoong nararamdaman niya.

Edi lumabas din ang totoo, ayaw ko talagang pagusapan ang tungkol samin ni Trake! Hindi ako bitter! Im just moving on.

Sabi nga 'pano mo 'SIYA' makakalimutan kung patuloy mong aalalahanin ang nakaraan niyo.' right?

Past is past, ang nakaraan ay nakaraan na kaya hindi na dapat ito binabalikan pa at ang mabuting gawin kalimutan ang nakaraan at magsimula ng bago. Charing! Drama ko! May pinaghuhugutan kasi we.

Napabuntong hininga ang ginang sa sagot niya.

"Anak.. Sinabi na sakin ni Trake ang dahilan ng pagaaway niyo." Amin nito.

Hindi niya malaman kung ano ire-react, kung magugulat, magagalit o mahihiya?

"Mom. Alam niyo na naman pala we, bat kailangan niyo pang tanungin." May galang parin ang pagsagot ni Francine.

"Gusto kong marinig ang side mo."

Nagtitigan sila ng ginang, halata sa ginang na gusto nitong malaman ang nangyari.

"Mom niloko niya ko thats it." May bahid ng galit sa kanyang salita ngunit hindi para sa ina kundi para kay Trake.

"Nagpaliwanag na ba siya sayo?"

Natigilan ulit siya..

"Hindi ko na kailangan pa ang paliwanag niya, ang nakita at narinig ko ay sapat na.. Papanik na ko.." Tumayo na siya, ng nasa bukana na siya ng komedor nagsalita ulit ang ginang.

"Alamin mo muna ang katotohanan, bago mo paratangan ang isang tao."

Nagpatuloy na siya sa paglalakad...

Mom! Hindi mo alam kung gaano ko nasaktan! Hindi ko na kailangan pang marinig ang paliwanag niya, tas ano? Gagawa siya ng kwento? huli na siya we! Lulusot pa siya!

Nang nasa kwarto na siya nagdadalawang isip siya kung papasok o hindi.

Ayokong umabsent, mahirap humabol sa lesson. Pero ayoko din siyang makita, masisira lang ang araw ko.

Bahala na nga si batman..

Nahiga ulit siya sa kama niya..

Ganto rin ba kasakit ang naramdaman ni Denice?

---

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon