Chapter 31; Break!!!

18 1 0
                                    

Pagsakay ng taxi ni Francine di niya napigilang umiyak.

Napasubsob na lang siya sa mga kamay niya. Umaantak na naman yung sakit..

Ang sakit! Naalala ko nanaman yung kataksilan niya! Sobra kong nasaktan sa nakita ko! Akala ko ako lang! Sabi niya magbabago na siya para sakin!

Sa isiping iyon mas lalong umantak ang sakit sa puso ni Francine.

"Miss nandito na po tayo." Napapatangin na lang sa kanya yung driver ng may pagtataka.

Mabilis na pinunasan ni Francine yung mga luha sa pisngi niya at matapos magbayad sa driver, dalidali na siyang bumaba.

Nasa hallway na siya, papunta sa building ng Business Administration.

Ito namang hablot ni Trake sa braso niya.

"Bitiwan mo ko!" Nanggigigil niyang bulyaw kay Trake.

"Please.. Bhabes let me explain.." Sumasamong sambit nito.

"Ano pa ba ang ipapaliwanag mo ha! Tama na Trake! Sawa na ko!" Intense niyang sabi dito, habang nagbabaga ang mga matang nakatitig dito, nagpapahiwatig ng galit, poot, inis..

"Pero bhabes siya yung--" hindi na siya pinatapos pang magpaliwanag ni Francine.

"Oo na! Lagi naman diba?! Lahat na lang ng babaeng lumalapit sayo yung dahilan! Ilan beses na bang nangyari to! Sasabihin mo, Di mo sila mahal, wala lang sayo yung mga yon! Dahil ako ang mahal mo! Eh tang*na naman Trake! Lagi na lang bang ganito! Makikinig ako sa paliwanag mo tas okey na ulit tayo? Tapos kinabukas mauulit nanaman! Ano ba to?! Lokohan ha!" Hindi nakaimik si Trake. Tas unti-unting tumulo nanaman yung luha niya.. Akmang pupunasan sana ni Trake yung luha niya, pero iniwas niya yung mukha niya dito, at siya na yung nagpunas sa mga luha niya, gamit ang mga palad niya.

"Trake.. Tapatin mo nga ako.. Kahit minsan ba ha?.. Kahit minsan.. Minahal mo ba ko?" Puno ng riin niyang tanong dito pero kalmado na yung boses niya, hindi na pabulyaw.

"Ano bang klaseng tanong yan syempre--" hindi niya nanaman punatapos magsalita si Trake.

"Bakit ba kailangan ko pang tanungin? Mas lalo ko lang pinasasakitan ang sarili ko! Alam nanaman natin pareho ang sagot! At narinig ko yun mismo sa mga bibig mo!"

"Ha? Anong narinig? Francine maniwala ka sakin mahal kita--"

"Tama na Trake yung lokohan nato! Siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't-isa. Palagi na lang tayong nagtatalo sa mga babaeng nakarelasyon mo, oo sabi mo magbabago ka! Pero wala ka naman magagawa sa mga babaeng lumalapit sayo. At ako dapat ko yun intindihin! Pero hindi naman lagi-lagi Trake! May limitasyon din ang lahat ng bagay! Ano habang buhay ko na lang bang iintindihin yung mga babae yun?! At siguro sapat na rin yung narinig ko noong araw na yun! Para bumitaw ako sa relasyon natin!" Mahinahahon niya ng sabi at nagmamadaling tumalikod na si Francine.

"Francine!" Hinabol siya ni Trake kaya mas lalo niyang binilisan ang paglalakad, nakikihalo sa mga studyanteng naglalakad, nakikisiksik para lang makalayo kay Trake.

Hindi siya papasok ngayon, paniguradong magkikita lang sila ni Trake pati na din si Claire! At paniguradong mas lalo siyang masasaktan pagnakita yung dalawa! Kaya mas minabuting pumunta na lang ni Francine sa likod ng school, kung saan malaya niyang mailalabas ang sama ng loob niya.

Naupo siya sa isang sulok.. At doon hinayaan niyang umalpas ang kanyang mga luha..

Nagbago din naman ako para sa kanya wa! Bat siya di niya magawa! Lagi na lang yung mga babaeng lumalapit sa kanya ang pinagtatalunan namin! Pero inintindi ko siya! Pinakigan ko mga paliwanag niya! Pero ngayon! Ano pang paliwanag ang sasabihin niya! Nakita ng dalawang mata ko na naghalikan sila at di niya lang yun basta fling o kung anu man! EX niya yun! Na sobra niyang minahal kaya siya nagloko sa pagibig! At ang sakit isipan na hanggang ngayon hindi ko pa napapalitan yung pwesto ni Claire sa puso niya. Ang sakit isiping hanggang ngayon mahal niya pa si Claire! At mas masakit na narinig ko mismo sa mga bibig niya na hindi niya ako mahal! Sobrang sakit! So all this time pala ginag*go niya lang ako!

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon