Chapter 16; Goodbye?

21 1 0
                                    

Graduation Day;

Pagbaba ng kotse ni Francine.

Nakaabang na sa kanya si Denise, Dawn at kasama na din si Anya.

Yung tatlo nakatitig kay Francine na para siyang may nagawang krimen na ini-Interogate.

"What?" Nangingiting tanong ni Francine sa mga to.

"Ano mo siya ha?" Si Denice

"Kailan pa?" Si Dawn

"Grabe ka! Kanina ko lang nalaman yun ah! May boyfriend ka na pala ha?" Si Anya.

"Oy! Di ko siya boyfriend no wag nga kayong assuming!"

"Eh ano mo siya?!" Sabay-sabay na tanong ng tatlo.

"Ehh.." Napakamot sa batok si Francine. "Manliligaw.." Nanantiyang sabi niya.

"Ha?!!!" Sabay-sabay ulit yung tatlo.

"Ay maka 'ha' naman OA lang?"

"France kilala mo naman siya diba?" Nagaalalang tanong ni Dawn.

Natigilan si Francine.

"Alam mo namang play boy yun diba?" Si Dens.

Oo! Alam ko! Pero sabi niya magbabago daw siya! Sigaw ng puso ni Francine.

"Dont get us wrong France, alam naman naming play girl ka din at kung may balak kang paglaruan si Trake please iba na lang, natatakot kasi kami na baka ikaw lang ang masaktan sa bandang huli." Si Anya na sinang ayunan ni Dawn at Denice.

Natigilan ulit si Francine.

Masaktan? Oo nga? Pano kung hindi naman seryoso si Trake? At pinaglalaruan lang siya?

"France, Alam naman namin na wala kaming magagawa sa ginagawa mong paglalaro sa pagibig pero wag na siya, kung mapaglaro ka mas mapaglaro siya, nagaalala kami na baka mapaikot ka lang din sa mga palad niya. Hindi mo siya lubos na kilala." Si Dawn.

May pagtutol na nararamdaman si Francine sa mga sinasabi ng kaibigan niya tungkol kay Trake, gusto niya itong ipagtanggol pero may bahagi ng kanyang utak ang nagaalangan at nakukumbinse sa sinasabi ng mga kaibigan niya.

Tama sila hindi niya kilala si Trake ng lubusan hindi niya hawak ang pagiisip nito, baka mamaya mo niyan ay plano lang nitong paglaruan siya. Hindi niya rin hawak ang puso nito kung siya nga ba ang tinitibok nito.

"Uy France! Nawalan ka na ng imik." Si Anya.

"Ha? Ah ala!" Bigla niyang sagot.

"Tara dun na nga tayo sa Stage." Aya ni Denice.

Sumunod lang sila dito.

Habang napupuno ng agam-agam si Francine.

"Bhabes!" Napalungon si Francine sa tumawag ganun din yung tatlong kaibigan niya. Lumapit sa kanila si Trake.

"Hi!" Bati ni Trake sa kaibigan ni Francine , atubili lang siyang nginitian ng mga ito. "Goodmorning bhabes." Baling nito kay Francine sabay kindat.

Heart Palpitating again..

"G-good morning." Naiilang na tugon ni Francine dito, pakiramdam niya nakatutok sa kanya yung mga mata ng mga kaibigan niya. At parang pinapahiwatig na umiwas-ka-sa-kanya.

"Nakatulog ka ba ng mabuti?" Tanong nito kay Francine.

"Oo. Bakit?" Nagtatakang tanong bi Francine.

Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Ako hindi we! Magdamag kasi kitang inisip." Langhap niya ang cologne na gamit nito, at ang mabangong hininga nito at ramdam niya ang init ng hininga nito na parang nagpaparamdam sa kanyang katawan ng libo-libong boltahe ng kuryente. Deep inside kinikilig nanaman si Francine sa banat nito.

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon