Chapter 38: Franco

7 1 0
                                    

Nakangiti si Francine habang nakatingin sa dalawang taong mahalaga sa kanya na nakaluhod sa harap ng altar.

Ikinakasal.. Mali.. Muling ikinakasal ang magulang ni Francine.

Si Claire naman matapos ang pagpapaliwanag dito inabot din ng ilang araw bago tanggapin ang pagkakamali nito at humingi ng tawad sa kanila ni Trake. Sinabi nito ang lahat-lahat, una hindi nito alam kung sino siya ng magkita sila sa condo ni Trake, ngunit kaya bumalik si Claire at pumasok sa St.Sebastine ay dahil gusto lang daw nitong sirain ang relasyon nila ni Trake at gawing miserable ang buhay niya dahil napag-alaman nitong anak pala siya ng lalaking inakala nitong sumira sa pamilya nito, kaibigan din pala nito yung April yung babaeng pinagtalunan din nila ni Trake, inutusan lang daw yun ni Claire para mag-away sila ni Trake but sad to say di epektib si April para pag-awayin yung dalawa kaya ayun si Claire na ang gumawa ng paraan na sa huli pinagsisihan naman nito, katunayan nga naging kaibigan niya na ito, tas naiingit daw ito sa kanila kasi buti pa daw si Trake mahal na mahal siya. May boyfriend pala si Claire ang kaso hindi daw ito mahal ng boyfriend nito.

Masigabong palak-pakan ang maririnig sa simbahang iyon.

"Bhe tayo kailan pakakasal?", mahinang tanong sa kanya ni Trake ng lumapit ito sa kanya.

Napangiti na lang siya.

"Sira! Mga bata pa tayo nuh! Aral muna tas hanap trabaho bago yun!", natatawang sagot niya dito.

"Tsk! Hanap ng trabaho? Eh kahit ngayon pwede nanaman ako magtrabaho may sarili naman kaming kompanya."

"Ah basta! Mag-aral muna tayo. Tska na yan. Dadating din naman tayo diyan eh.", pagtataray niya pero sa loob-loob niya nangingiti siya.

Reception..

"Break na kayo?", gulat na tanong ni Francine.

"Oo eh. Ha.ha.. Bayaan mo nga ganda ko na'to pinakawalan niya ko.", natatawang saad ni Claire ngunit bakas naman dito ang kalungkutan.

Kahit muntik ng masira ni Claire ang relasiyon nila ni Trake napalapit na din sa kanya si Claire at pinagsisihan na naman ito ni Claire.

"Haaay! Tama ka! Madami pang magkakandarapang lalaki sayo.", pagpapagaan niya ng loob kay Claire.

"Bhe..", si Trake na papalapit sa kanya at may dalang pagkain, tumango lang ito kay Claire.

"Maiwan ko na kayo.", paalam sa kanila ni Claire.

At naiwan na nga silang dalawa roon.

Halos langgamin na sila sa kasweetan nila. Nagsusubuan, pupunasan ang bibig, tas magtatawanan lang na parang silang dalawa lang ang tao sa lugar na iyon.

"I love you.."

"I love you too.", sagot niya.

"Yiiiiee!! Sweet naman ng dalawa.", napatingin sila sa nagsalita si Denice.

"Mag-i-interact lang sa inyong dalawa.. OP kami roon eh.", at naupo si Dawn sa bakanteng upuan, pang-apatan kase yun.

Nagkwentuhan lang sila ng kung anu-ano at sa huli naghiwa-hiwalay na sila.

Hindi siya sumabay sa kotse ng mga magulang niya dahil hinatid siya ni Trake.

"Hindi kana ba papasok?", tanong ni Francine dito.

"Hindi na, gabing-gabi na eh."

"Sige, mag-iingat ka.", akma sana siyang bababa na ng kotse ng pigilan siya ni Trake.

"Diba aalis sila mom at dad bukas at two weeks sila sa ibang bansa for their honeymoon? Eh di wala kang kasama diyan?"

Maka mom at dad diba? Siya ata anak eh! Feeling close tong boyfriend ko na'to.

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon