Chapter 13; Narrating

21 1 0
                                    

Leiramej/Note; parang dumadalas ata ang pagEpal ko nu?:D ahehe.(^_^)\/ peace yow! Narrate ko lang yung nangyari nung umpisa ng kwento para mas maintindihan baka kasi maguluhan kayo kasi puro BackStory nababasa niyo. Nahiyang we? Isang mabilisang buod lang to.

Di niyo to maiintindihan kung di niyo binasa yung ibang chapter..

Ito po kasi yung umpisa ng hakbang ni Trake kung paano niya gustong makipagusap kay Francine.

---

Thursday; (Basketball gym)

Hindi talaga malaman ni Trake kung pano iaaproach si Francine. Minsan gusto niya itong kausapin pero nagbu-buckle siya o di kaya ay nahihiya. Shete ang bakla lang!

May napansin siyang babae kaibigan siya ni Francine. Kinausap niya ito at nalamang Anya ang pangalan. Madami siyang katanungan kaso biglang sumingit ang Captain nila at kinaladkad si Anya paalis.

Kaya napagisipan niyang sadyain na lang si Francine, nagbabakasakali siyang baka makita ito kaso lang ng malapit na siya may humila sa jersey niya at nagulat na lang siya ng halilan siya nito siya namang labas ni Francine sa room nila at nakita ang tagpong iyon. Umalis na si Francine at tinangka niya itong habulin kaso hindi niya na naabutan. Napagpasyahan niya na lang na bukas ito kausapin.

Friday;

Maagang pumasok si Trake para maantabayanan ang pagdating ni Francine. Kaso lang laking dismaya niya ng makita itong may kahalikan, hindi niya kinaya ang tagpo na iyon at umalis siya.

Paano siya magtatapat dito kung ganoong mga tagpo ang makikita niya?

Shete! Habang siya hirap na hirap gumawa ng paraan para makausap to! Tapos makikita niya lang may kahalikan! Buti sana kung siya kahalikan ayos lang we! Kaso iba brad! Tangna lang!

Ng araw na ito mas lalong binalot ng pagsuko ang binata parang walang katuturan ang ginagawa niya. Ipagpapatuloy niya pa ba?

Sabado; (present)

Naguusap-usap sila tungkol sa booth na gagawin ng makita ni Trake si Dawn na kausap ng Captain nila. Matapos magusap ng dalawa, nilapitan ito ni Trake.

Kagabi niya pa pinagiisipan kung ano ang gagawin niya kay Francine. Isa lang ang lumalabas, mahal niya na ito.

Nagkausap sila ni Dawn at kwinento nito ang madilim na kahapon ni Francine.

Ngayon alam niya na kung bakit naging mapaglaro sa pagibig si Francine, parehas lang pala sila.

Kaya ng araw na iyon tumibay ang lakas ng loob niya na magtapat na dito at totohanin ang lahat.

Sinundan niya si Francine ng uwian. Pumunta ito sa Atwood Park. Hindi siya nakatiis ng makita itong umiiyak kaya nilapitan niya na ito. At sinimulang magtapat at sabihin ang pakay dito matapos niya iyong sabihin nahihiyang iniwan niya ito. Hindi niya malaman ang gagawin.

---

Student's Life 2-Casanova's Relationship (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon