Ang aking puso at isipan
Punong-puno na naman ng kaguluhan
Sapagkat nadadaganan na naman ng kalungkutan
Ang natatangi kong kaloobanHalina at samahan mo ako
Sa pagliliwaliw ko sa magulong mundong ito
Hawakan mo ang mga letrang bibitawan ko
Upang siyang maging gabay moGawing maganda ang mga bagay na masama
Gawing makulay ang madidilim na bagay
Ngumiti sa kabila ng mga lungkot
Huminga ka sa buhay na itoAng aking mga salita ay maging pundasyon mo
Tatagan mo pa ang iyong kalooban
Panigurado konting hakbang na lamang
Magulong mundo ay ating lilisan