Ang Laman Ng Aking Puso

131 1 0
                                    

Kailan?
Kailan ko kaya mararandaman na mahalin ng totoo?
Na may isang taong magiging tapat sa akin?
Mayroon nga ba?
Mayroon nga bang para sa akin?

Tila nakakasawa.
Nakakasulasok ang mga pangyayari.
Tila gusto ko nang sumuko.
Dahil nakakapagod mag mahal ng ganito.
Nakakapagod mag mahal ng totoo.

'Yun na nga eh.
Ako na lang lagi.
Puro na lamang ako ang nagiging tapat sa isang relasyon.
Ako ang gumagawa ng paraan upang mapasaya lamang s'ya.
Kahit sa aking kalooban, ako'y walang wala na.

Bakit mo ako nagawang lokohin?
Ano nga bang kasalanan ko?
Sa kabila ba ng pagiging mabuti kong nobya,
Bakit ito pa ang natanggap ko mula sa'yo?

Alam ko na kapalit palit ako dahil sa hitsura ko.
Ngunit hindi mo ba nakita kung gaano kaganda ang aking puso?
Kahit masakit, at kahit gusto ko nang magalit,
Heto pa rin ako.
Umiiyak at naghihintay sa paliwanag mo.

Ang tanga tanga ko.
Oo, sobrang tanga ko.
Dahil niloko mo na nga ako pero naghihintay pa rin sa'yo.
Ginago mo ang aking puso ngunit nandito pa rin ako.
Ang manhid mo.
Ang sama sama mo.

Hinihiling ko, sana, tadyakan ka ng tadhana.
Sana, sipain ka ng reyalidad.
Sana, karmahin ka ng sobra.
Dahil hindi pa nga 'yun sapat para sa lahat ng sakit na aking nadarama.

Masaya ba?
Masaya ka ba kasi nasasaktan ako?
Masaya ba kasi nakikita mo akong umiiyak?
Ang saya mo.
Napaksaya mo habang ako, heto, nagdurusa pa rin.

Wala kang karapatang sumaya.
Dahil isa ka sa mga taong pinagkait iyon sa akin.
Sana hindi ka na lumigaya.
Sana habambuhay kang karmahin.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon