Isang lakad mo palayo,
Ay siyang patak din ng aking luha.
Hindi man mawari kung saan ka patungo,
Nasasaktan ako aking sinta.
Ako'y nangako sa iyo,
Na maghihintay ako araw-araw.
Ngunit yaong aking pag-ibig,
Ay unti-unting naliligaw.Ngunit kahit ganoon, kahit sumapit ang mga hilahil,
Hindi ko nalilimutan ang aking pangako sa iyo.
Na kailanma'y pag-ibig ko ay magiging solido,
Tulad ng iyong desisyon, na iiwan mo na ako.Ako'y mag-isa, iniisip ka pa rin ginoo.
Na sa tuwing kakain ng tinapay, ano kayang kinakain mo?
At kapag ako ay masaya, masaya ka rin kaya?
Dahil ngiti sa aking mukha ay pumapawi, kapag naiisip kita.Ika'y lumalaban sa sakit mong napakalubha.
Pilit kong kinakaya, kahit sa iyo'y wala na akong balita.
Ayokong isipin ang mga sinasabi nila.
Na ikaw raw ay pumanaw, at ako'y iniwan na.Ngunit isang araw, nakarating sa akin ang isang telegrama.
Doo'y naka
saad na ika'y pumanaw na.
Hindi ito matanggap ng aba kong kaluluwa.
Aking sinta, bakit ika'y pumanaw na?Lalong lumayo, ang distansya mo sa akin.
Ngunit kahit kailan, di ko magawang ika'y limutin.
Ako'y umiiyak, gumabi man o umaraw.
Darating din ang panahon na ako ang papanaw.Distansya ng pag-ibig sa iyo'y hindi pa lalayo.
Kung anong sinabi ng puso, ay siyang nanaisin ko.
Aking giliw, ako ri'y mamamaalam na sa mundo.
Buhay ko'y kikitilin, upang ika'y makasama ko.