Sa ilalim ng kalawakan

591 9 1
                                    

Tinitigan niya yaong aking mga mata
Binibini maari bang mahagkan kita?
Siyang labi na nakukulay ang buhay
Siyang saya sa aki'y naibibigay

Siya'y isang rosas sa kagandahan
Ngunit ang kaniyang mga tangkay ay may tinik
Kapag minahal mo siya, ika'y magsasakit
Sapagkat kamandag niya'y lubos na nakakaakit

Ngunit ano ba'ng aking magagawa?
Itong dilag ay napakaganda
Siya'y naka-ngiti habang nakatingin sa kalawakan
Di niya alam ako'y nakatingin sa kaniya

Bawat oras, bawat araw, bawat memoryang lumilipas
Siya lamang ang laman ng aking isipan
Bawat letra, bawat salita,
Ay para lamang sa kaniya

Yaong mga mata na sing ganda ng gabi
Oh giliw baka ako'y di makapag pigil
Nais kong hagkan yaong mga labi
Ako nama'y iyong mahalin

Sapagkat tuwing kaarawan mo'y
Dinadala kita sa burol
Sa ilalim ng kalawakan
Habang sinasabi mo kung gaano ako kahusay na kaibigan

Masakit sa kalooban binibini
Sapagka't may iba kang minamahal
Ngunit ako'y hindi sumusuko
Na balang araw, ika'y mahahagkan

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon