Para sa aking Prinsesa

519 4 0
                                    

Ika'y unang namasdan sa eskwelahan
Ang iyong mata at ngiti ay napakaganda
Sa unang tingin, ika'y iniibig na
Wala akong pakialam sa sinasabi nila

Nang minsa'y nakausap kita,
Sobra ko talagang saya
Ngunit alam mo kung anong mas masaya?
Nang tayo'y naging mag kaibigan na

Araw-araw, lalong lumalim ang pag-ibig sa'yo
Lalong lumalim ang nararamdaman ko
Na hindi ko napansin na umamin ako sa'yo
Ngunit isang iling lang sagot mo

Gumuho ang aking mundo
Gumuho lahat ng pangarap ko
Gumuho ang panaginip kong matagal nabuo
Gumuho ang aking pagkatao

Lubos kitang iniibig giliw
Kaya gumawa ako ng paraan para sa'yo
Salamat sa Diyos, pumayag kang maging kaibigan pa ako
At nilimot mo ang nakaraang ito

Ngunit bakit ganito? Hindi ko mapigilan ang sarili ko
Sa bawat sulyap ko'y nabibighani sa'yo
Kaya't sa ikalawang pagkakatao'y umamin pa sa'yo
Ngunit tulad ng una?
Ako'y nabigo

Lumipas ang mga araw at buwan na tanaw ka na lamang
Ngunit kahit ganito, iniibig pa rin kita
Sa gilid ng aking mata
Basta't ika'y masaya

Mahal na mahal kita aking prinsesa
Kaya kahit masakit ay tinanggap ko na
Na minsan sa buhay ko, ako'y hindi mo iibigin
Hindi iibigin kagaya niya

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon