Liwaliw

44 1 0
                                    

Nais kong lumipad
Maging malaya ang mga pakpak sa hangin
Na maipabatid sa lahat ang magandang balita mula sa liwanag.
Ngunit ang lilim, ang dilim ay bumbalot sa aking leeg
Kaya't ang paglipad ay napigil, nadaig.
Nanatili sa isang islang walang kahit ano
Sa islang dalawa lamang ang puno.
Isa ay may lason ngunit ang isa'y hindi namumunga,
Tulad ng pagkawala ng mga ala-ala.
Lumipad ang kaisipan ngunit hindi ang buong katauhan
Naglakbay ang kaisipan ngunit hindi kasama ang laman.
Lumaban, oo nga't lumaban ngunit napaghinaan.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon