Minsan hindi ko mapigilang isipin.
Bakit nga ba unti-unting namamanhid yaong damdamin.
Dahil ba sa sakit? Dahil ba sa kawalan?
O dahil ba sa munting ala-alang tinangay ng hangin?Unti-unting bumabagsak ang mga luhang kanina pa nagbabadya.
Ang mga saranggola ng emosyon ay tuluyan ng kumawala.
Ngayon, maari mo bang sabihin sa akin?
Talaga bang nahihibang na ang aking damdamin?Ako'y baliw, isang sisa para sa'yo.
Nagmamakaawa, nagkukumahog sa pag-ibig mo.
Nais ko na sana matapos ang mga ilusyon ko sa mundo.
Ngunit bakit muling pinaasa mo, ang nalulumbay kong puso?Hindi nakakatuwa, ako'y hindi nasisiyahan ng lubos.
Kung ako nga'y iyong ibig, bakit ko kailangang lumuhod?
Kung talagang nais mo na hindi ako masaktan,
Bakit kailangan kong makita kayong nagtatawanan?Nakakahiya, ang dumi na ng aking sarili.
Ang bestida kong puti, napuno na naman ng dumi.
Tulad ng aking puso na noon ay nananatili.
Ngunit ngayo'y inagaw mo, para sa'yong sarili.Nakakapagod pala, nakakamatay magmahal ng totoo.
Minsan akong umibig, ngunit nasaktan ako ng husto.
Nais kong hilingin sa may kapal, na sana'y lumigaya na ako.
Kahit hindi sa iyong piling, na s'yang nanaisin ko.Ngayon, ako'y humihingi po ng gabay.
Na sana bukas o sa makalawa, sa'yo ay hindi na maglalaway.
Na sana naman, ang puso ko'y mabawi ko na.
Dahil ako'y pagod na, na paglaruan sa tuwi-tuwina.