Liriko ng pag-ibig,
Tuluyang umikot sa mundo.
Ngunit anong kisig,
Ang mayroon sa dibdib mo?Hindi ka masaya,
Hindi ka rin naman malungkot.
Ngunit bakit ganoon?
Buhay ay naging masalimuot?Kandong mo ang kwaderno,
Habang kapit ang lapis.
Nag-iisip ng kuwento,
Tungkol na naman sa pag-ibig.Ngunit ika'y napagod,
Biglang humikbi.
Sumigaw sa kawalan,
Sarili'y nabibingi.Sabi mo sa iyong sarili,
"Anong kinalaman noon?"
Tinataw mo ang langit,
Habang nakasilip ka roon.Unti-unti'y nag-iba ka,
Tuluyang nawalan ng sigla.
Hindi ka na umiiyak,
Hindi na rin tumatawa."Pag-ibig, totoo pa ba?"
Tanong sa sarili mong piyesa.
Pinilit matapos kahit masabaw na,
May masabi lamang na katulad ka nila.Ngunit pagsapit muli
Ng iyong kadiliman,
Wala kang kontrol,
Sa sariling katawan.Habang lumuluha ay kapit mo ang pluma,
Hindi ka nagdidiwang ngunit nasulat ka.
Isinalaysay mo lahat sa munti mong akda,
Kung gaano kapait ang iyong nadarama.Pinakita mo ito sa madla,
Ngunit ni isa'y walang natuwa.
"Hindi maganda."
Sabi pa 'yan nila.Nawalan ka ng sigla,
Unti-unting binitiwan.
Inagos ng ilog ang pluma,
At ang iyong katawan.