Sa bawat pagmulat ng aking mga mata,
Tila iniisip, kung para saan pa nga ba.
Ako'y hindi na buhay, pilit na lang humihinga.
Dahil siguro sa nakaraang aking naaalala.Sa bawat haplos, at dampi ng kan'yang labi,
Ako'y nanginginig at nagsisimula nang magdalamhati.
Sa bawat pasok ng kan'yang katigasan ay para akong pinapatay.
Bakit ganito kasahol ang aking buhay?Noong una, ay hindi ko na pinansin pa.
Naisip ko, na bakasakaling magbago ka.
Pero bigo ako, sinasaktan mo pa ako.
Muling nanalantay sa iyo ang pagiging demonyo.At ngayon, natapos ko na ang paghihiganti ko.
Nagising ako ngayon, at ang kutsilyo'y nasa dibdib mo.
Walanghiya ka, dinumihan mo ang puri ko.
Ngunit kahit patay ka na, hindi ka mawala sa isip ko.