Ang Pag-ibig

24 0 0
                                    

May mga taong pasuko na, sumuko na, naisuko na.
Ngunit sa kailaliman ng mga talinhaga, hindi nila alam ang dapat.
Walang nakakaalam kung kailan at sino,
O kaya naman kung saan.

Bakit nga ba may umiibig mag-isa?
Bakit may pag-ibig pero dalawa?
Bakit ang ganda ng kaniyang mga mata?
Bakit siya ang aking panata?

Minsan, madalas, ang pag-ibig ay mahiwaga.
Sinasabi nilang hintayin, sinasabi rin nilang desisyon mo ito.
Ngunit bakit sa ibang tao, hindi ito dumadapo?

Parang bula ang pag-ibig.
Maganda, nakakahumaling, ngunit panandalian.
Sasabihin nila, maaalala mo naman 'yan.
Pero paano ang pagkakataong ito ay naglaho,
Hindi ba ika'y masasaktan?

Ginawa mo na nga lahat.
Nagsulat, nagbasa, tumula.
Ngunit wala pa rin siya.
Ilang awitin man ang lumipas, mukhang hindi na siya magpapakita.

Unti-unti nang natitigang ang puso mong nanunuyo.
Parang wala na ring kulay ang iyong mundo.
Pag-ibig sa sarili ay hindi naman totoo.
Para kang nagdarasal sa mga rebulto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon