Ang luha sa mata'y pinahid
Ngiti ay ipininta sa aking mukha
Mahirap man, ay aking nagawa
Anong laking ginhawaTinanggal yaong gapos na ako rin ang gumawa
Kinuha ang susi ng kulungan sa aking puso
Binuksan yaong pintuan ng aking kalooban
O pagbabago, paano kita sisimulan?Hindi alam ang aking unang gagawin
Dapat bang lumakad o tumingin muna sa salamin?
Bubog na sahig ay patuloy na tatahakin
Ngunit pag-asa'y di mawawala sa akinLigaya, o giliw saan ka makikita?
Saan matatamo ang kapayapaan sa tuwi-tuwina?
Saan ko mahahanap ang aking isa?
Saan? Saan? Saan?Masakit ang aking gagawing paglalakbay
Ngunit alam ko na daan ito sa tagumpay
Hindi man gusto ay siyang sa aki'y nakatadhana
Muli pang pinunasan si luhaHimala, ika'y bumalik sa aking pagkatao
Pag-asa, saniban mo ako
Ligaya, o giliw maawa ka sa akin!
Panalangin ko naman ay dingginPatuloy lamang sa paglakad
Patuloy lamang sa paglalakbay
Patuloy lamang sa aking buhay
Magkaron sana ng silbi, magkaron sana ng saysay