Kasama

163 5 0
                                    

Ang kaniyang damit na warak
Pagkatao'y madumi't nahubaran
Puso'y di maintindihan
Utak ay wala sa mundo

Sumisigaw, humihingi ng tulong
Putik-putik na ang katawan
Ngisi sa halimaa ay nakapinta
Nawa ang Diyos ay dumating na

Nakatakas ang anghel
Sa maduming bisig ng halimaw
Agad na tumakbo at humingi ng tulong
Ngunit sarili niyang utak ay nakakulong

Ilang araw na ang lumipas,
Ngunit hindi niya pa rin matandaan
Sino itong halimaw,
Na kabataan niya'y dinungisan

Hindi kumakain, hindi lumalabas
Tila pinarurusahan ang kaniyang sarili
Sa kabilang dako, isang lalaki'y di mapakali
Pilit hinuhugasan ang kamay niyang napaka dumi

Isang araw, lumabas itong dalaga
Nakita siya ng kaniyang nobyo
Dali-dali itong tumakas at lumayo
Muling ikinulong ang sarili sa kwarto

Ilang araw na't wala na siya sa tamang pag-iisip
Umiiyak, binabalot pa rin ng takot
Hindi makalimutan ang ngisi ng halimaw
Binibini'y di napigilang magpatiwakal

Siya'y nilibing at umiiyak ang kaniyang Ina
Nakita nito ang liham sa kaniyang kama,
"Ina, hindi po ang aking nobyo ang dumungis sa akin."
"Wala pong iba, kundi ang lalaki na iyong kinakasama."

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon