Nakatitig lamang sa malayo at kawalan
Iniisip ng mabuti ang naging kayarian
Ang siyang buhay ba ay tunay pang mahalaga?
O dapat na lang isantabi na?Bawat hangin na lumalabas sa aking bibig
Bawat pagtunog ng malakas na hagulhol sa aking dibdib
Mga salita na pilit kong isinasarili
Sapagkat ang masaktan ka ay hindi ko makakayaAng makita kang nahuhulog ay binabaon ako sa hukay
Ang matunugang ika'y lumuluha'y siyang aking kapighatian
Ang bawat ngiti mo sa aking mata na puno ng lumbay
O giliw, huwag naman ganiyanAko'y tumatangis sa iyo na ika'y sumaya
Lumalapit sa mga santo upang kapayapaan mo'y matamo
Ngunit para sa'yo ay wala lamang ito!
Labis na karamdaman, sa aki'y ibinibigay moAng puso ko'y nadudurog sa tuwing nakikita kang masaya sa iba
Ang mga mata ko't walang pagod kung lumuha
Nais kong gawin ang isang bagay para tuluyan kang sumaya
Ialay ang ang dugo sa kadilimanKaya kahit pinagbawal ng Diyos ang pagbawi sa aking buhay
Ay buong puso ko itong ginagawa para sa'yo
At sa mga pagkakataong ito ang dugo ko ay dumanak
Mahal na mahal kita giliw, nawa wag ka ng umiyak