Mabagsik na kalungkutan

287 4 0
                                    

Bakit tila wala akong maramdaman?
Tila walang luha sa aking mata?
Walang gusot sa aking mukha
Ako lamang ay nakatulala

Ito na nga yata ang pinaka mabagsik na lungkot
Kapag ika'y wala ng maramdaman kahit isa
Kapag ang puso mo'y durog durog na
Kapag ang pag-ibig sa'yo ay napawi na

Nakakalungkot dahil walang nagtagal sa aking tabi
Na matapos akong buuin ay siya ring sisirain sa huli
Ano bang naging kasalanan ko para masaktan ng ganito?
Ano bang masamang ginawa ko sa inyo?

Ang tanging nais ko lamang ay mahalin ng totoo
Na matapos akong buuin ay mananatili sa tabi ko
Na kahit ako'y ganito lamang siya'y hindi hihinto
Pag-ibig habambuhay ang kaniyang pangako

Ngunit sa aking pakuwari'y wala na akong puso
Wala ng natira rito kahit kapiraso
Nais ko pa sanang mag mahal ngunit natatakot ako
Dahil paulit-ulit na lamang na ganito

Paulit-ulit lang nila akong wawasakin
Paulit-ulit na bibiguin
Paulit-ulit lamang akong luluha
At magmamasid sa hangin

Sana'y dinggin niya yaong aking panalangin
Kung ako'y mag-isa, yun nawa ang hamakin
Dahil ang puso ko'y napapagod na
Hindi na kayang sumugal pa

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon