Tayong Dalawa

269 3 0
                                    

Naalala mo ba kung saan tayo nagkakilala?
Tila di naman kita pinansin, baka ika'y papansin.
Ngunit nang makita, na ang puso mo ay lumuluha,
Ako'y di na nagdalawang isip na ika'y kausapin.

Sa unang pagkakatao'y nahihiya ako, ginoo.
Ngunit di ko lubos maisip habang natagal, sa'yo ay nagkagusto.
Sing llaim ng gabi ang naging pag-ibig ko sa'yo
Huwag naman sana, ang puso'y muling mabigo.

Ngunit bakit? Na sa tuwing makikita kitang masaya sa iba,
Ang puso ko'y nadudurog na naman aking sinta?
Pagiging magkaibigan nga lang ba talaga?
Na sa tuwing ika'y malungkot, saka lamang ako maaalala?

Ayoko na sana umasa dahil nasambit mo ika'y may gusto.
Isang binibini, binabalewala ang pag-ibig mo.
Ako'y isang babae tunay ngang hindi makasarili
Kaya naman, siya'y pinagtulakan sa'yo.

Itinatak ko na sa aking puso na ika'y hindi magiging akin.
Na kahit kailan sa buhay na ito, ako'y hindi mo mapapansin.
Palihim na umiibig, ay siyang palihim na humihikbi.
Tulad ng luha sa gabi, na sa umaga'y pumapawi.

Ngunit ano ba? Bakit bigla akong sumaya?
Tila inamin mo sa akin ang tunay na laman ng iyong puso sinta.
Ako'y natuwa, ngunit ito't may halong kaba.
Dahil ang ginoong iniibig ko, ay may karamdaman pala.

Ngunit kahit panghinaan, ay lalong nilakasan yaong loob.
Imbis na ika'y bitawan, lalo kitang kinapitan ginoo.
Ang tanging nais ko lamang ay mapasaya ka hanggang sa dulo.
Maramdaman yaong pag-ibig, sa loob ng iyong puso.

Hindi ko pinangarap ang pag-ibig na walang hanggan.
Sapagkat ang tunay kong nais, ngiti mo'y masilayan.
Aking ginoo, sana naman ika'y lumaban.
Nandito lamang ako, iniibig ka, hinding hindi ka iiwan.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon