Ligaya sa kalungkutan

531 4 1
                                    

Isang malalim na hikbi
Katumbas ay mababaw na ngiti
Sayang dulot ng luha
Hindi kaagad makita

Dulot mo ba, o dulot niya?
Sinong makaaalam?
Ako ba o siya?
Kasiyaha'y walang hanggan

Kapayapaan sa iyong puso
Patuloy na dumadaloy
Muli kong nakita ang liwanag
Gamit ang aking luha

Hindi masamang humikbi
Lalo na't kung may karapatan
Hindi masamang ngumiti
Kahit ito'y kasalanan

Sapagkat iba ang batas
Batas ng puso sa batas ng isip
Huwag magkunwari sa iyong damdamin
Walang makikialam sa atin

Dadalhin ka ng hangin
Hangin na ikaw ang nakakakita
Tulad ng iyong ligaya
Ikaw lamang ang makakadama

Sapagkat wala kang ibang kailangan
Kung hindi ang iyong sarili lamang
Bumagyo o umaraw man
Sarili lang ang masasandalan

Bawat ngiti at luha ay ikaw
Bawat lungkot at ligaya ay ikaw
Ngunit ngayon, nais kong maging akin
Ang sarili kong laan sa akin

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon