Patawad, binibini ko

170 2 0
                                    

Binibini, aking araw ay ikaw
Sa bawat minutong lumilipas ay ikaw ang nasa aking isip
Maaring sabihin nilang ako'y nahihibang
Ngunit aking batid, ika'y iniibig

Sa tuwing magulo ang isip ko,
Ikaw ang sumasalo sa akin
Sa tuwing nalulumbay ako,
Ikaw sa aki'y umaalalay

Dumating yaong araw na ikaw ang dahilan
Ikaw ang dahilan ng aking ngiti
Ikaw ang siyang naging aking lakas
Ikaw rin ang dahilan ng pag hikbi

Ngunit paano ko sasabihin sa iyo ang aking damdamin?
Paano ko ito sa'yo babanggitin?
Paano kung ako'y hindi mo iniibig?
Pakiramda'y nahulog ako sa sahig

Sa aking takot ay hindi ko na nasabi
At sa hindi inaasahang oras ay mayroon kang nabanggit
Ako'y matagal mo ng iniibig
Na siya'y dapat kong ikasabik

Ngunit hindi
Dahil sa aking gulat ay nagalit ako sa iyo
Nasabi kong hinding hindi kita gusto
At sa unang pagkakataon, nakita ko ang luha mo

Patawad, patawarin mo ako
Sapagkat sa takot ay pinangunahan ako
Kung alam mo lang, ika'y iniibig higit pa sa iniisip mo
Patawad, binibini ko

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon