Chapter 1 | Meddlesome

400 31 15
                                    

L A U R E N C E

Before going back in this province, being called to the Dean's Office had always been a delightful and pleasing experience for me.

Syempre, pinapatawag ako hindi dahil nasa naughty list ako. Pinapatawag ako dahil sobrang galing ko, at nakapanghihinayang para kay Dean kung hindi niya ako mapupuri nang personal.

Every time I hear the compliments and praises, my heart palpitates so much that I couldn't breathe.

The compliments! The praises! I'm living for them.

But all these good memories in the Dean's Office were all shattered in this one effing day.

Nakakainis!

Nakakainis ka talagang epal na Gutierrez ka!

I'm so effing irritated that I can't even force myself to maintain my usual cool and elegance.

My face effing hurts kaya tiningnan ko ang reflection ko mula sa phone ko. I automatically frowned when I saw a bluish bruise starting to reveal itself on my left cheekbone. My lower lip is also busted, and this is all because of that effing epal!

Pinahiran ko ulit ito ng ice para naman mas mapabilis ang paggaling.

Nakakainis!

Ano na lang ang sasabihin ko kapag nagtanong si Mommy mamaya?

I honestly didn't expect him to fight back. It's his fault! It's all his effing fault! He had no right to fight back.

"I guess you got the genes, eh?"

Kapag naaalala ko iyong mga sinabi niya ay gusto ko siyang hampasin sa mukha nang paulit-ulit.

"With your outstanding records, I did not expect this kind of behavior from the two of you," disappointed na komento ni Dean.

For the first time in forever ay nasa Dean's Office ako, hindi para puriin dahil sa excellent performance ko kundi para pagalitan. Naikwento na ni Ma'am iyong nangyari kanina at sobrang disappointed si Dean.

Sinamaan ko ng tingin iyong epal na nakaupo sa katapat ng upuan ko, na busy rin sa paglalagay ng yelo sa mukha niya, pero hindi niya ako pinansin.

Bakit kahit wala siyang ginagawa napakaepal niya pa rin sa paningin ko?

"I'll let this slide for now. I won't inform your parents but let this be your first warning," seryosong dagdag ni Dean.

"Yes, Dean." Nagkasabay pa kami kaya automatic na sinamaan ko siya ng tingin. At syempre, hindi na naman niya ako pinansin.

Nagtataka ako kung saan na napunta iyong kawalang-hiyaan niya kanina.

I effing hate him. I hate him to death!

"Mr. Guerrero and Mr. Gutierrez, please, you're supposed to be the model students of your batch. I hope this won't happen again."

"Yes, Dean." Sabay na naman kami.

I gritted my teeth to keep myself from swearing. Naiirita ako sa kanya. I took a deep breath trying to regain my usual cool and elegance. It won't be good to lose it again. Nakakahiya naman kay Dean—

"Handshakes."

"What?!" gulat akong napatingin kay Dean.

"You're overreacting, Mr. Guerrero. Do you have any problem?"

Sinamaan ko ulit ng tingin si Epal. Napatingin din siya sa akin pero walang ekspresyon ang mukha niya. Naikuyom ko ang mga kamao ko. What now? Gusto niya ba ako pa ang mag-initiate?!

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon