Chapter 5 | Late Students!

122 15 7
                                    

L A U R E N C E


"Luwen!" 

"Ba't di ka nagsasalita?"

"Hm? Ba't mo tinatago ang kamay mo?"

"Luweeeeen!"

"Patingin nga ako!"

"Amin na. Ano bang tinatago mo?"

"Huh? Ano'ng nangyari sa kamay mo? Ba't ka may sugat?"

"Nadapa ka?"

"Ga-graduate na tayo sa Grade 6... nadadapa ka pa?"

"Dyan ka lang... kukunin ko 'yong kit ko."

"Oh bakit?"

"S-sabi ni ma'am magsisimula na ang ceremony"



Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko  nang may marinig akong kumakatok sa pinto ng kwarto ko. That dream... Why the eff would I dream of that?! 

Nakakainis! Tiningnan ko nang masama iyong Elementary Graduation photo namin. I was about to remove it when I heard my Mommy's voice behind my bedroom's door. "Baby son, wala ka bang first period ngayon? Wake up, baby son! It's 6:40 AM!"

6:40 AM? 

First period = 7:00 AM

Nagmamadali kong kinapa ang phone ko na nasa study table. Effing― 6:40― no― 6:41 AM!!!

Naitapon ko ang kumot ko sa gulat. Usually, katapos kong magising ay aayusin ko muna ang beddings ko. But looking at it now―nakakalat na unan, kumot na naitapon sa sahig, at magulong bedsheet. I badly want to fix it but I'm effing running out of time!

"Baby son... I'm going to work now. Eat your breakfast before you leave, okay?"

"Yes, Mommy. Take care," I answered while rummaging on my closet. I don't even know what I'm rummaging about.

"You, too."

Ano nga ulit ang hinahanap ko?

I almost dropped my jaw when I realized what I was doing. Effing―

Ngayon ay hindi na lang beddings ang nakakalat... pati na ang mga damit ko. Of course I want to fold them neatly again, but― arrg. I grabbed my uniform and almost flew towards the bathroom. Fortunately, hindi ako nahulog sa hagdan.

Ang usual 30 minutes kapag naliligo ako ay naging 5 minutes na lang. Worst is, I forgot to bring my towel. And to make things much worse than worst, mukhang papasok akong basa ang uniform kasi sa bathroom na ako nagbihis para makatipid ng oras.

Pagkatapos kong maligo ay dumaan muna ako sa kitchen. I stuffed my mouth with a whole pancake that I spotted on the table. I forcibly swallowed it with a glass of water. I can't miss breakfast because it's the most important meal of the― whatever I gotta brush my teeth.

1-2-3-4-5. All done!

Nagmamadali akong umakyat ulit sa hagdan habang ginagamit na pamunas sa buhok ko iyong T-shirt na suot ko kagabi, pero hindi pa rin maiwasang mabasa ng uniform ko. Fortunately, hindi ulit ako nadulas sa hagdan.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay saka ko lang napansin na nadala ko pala ang baso na ginamit ko kanina no'ng nag-toothbrush ako. The eff! Pinatong ko muna ito sa study table saka tinapon kung saan ang basang T-shirt na hawak ko, at dinampot ang bag ko.

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon