Chapter 21 | Mr. President

91 14 28
                                    

L A U R E N C E

The two business tycoons, the de Leons and the de Veras, have been competing with each other for centuries.

That's a fact known not only by businessmen and business enthusiasts, but also by every child born in the business world.

There's a famous rumour going around in the business circle. It is said that every child born in the de Leon and the de Vera were forbidden to make contact with each other.

But amidst this, another famous rumour started circulating four years ago. The eldest grandson of the de Leons and the eldest grandson of the de Veras, who were both known to extremely compete with each other in every possible way, almost killed each other over the young Miss of Aluegres.

Both were confined at the hospital with heavy injuries. After that incident, they were sent away and nobody heard anything from them since then.

***

One Friday morning, two days later.

Naglalakad ako ngayon palabas ng CBA Building pero mayamaya ay binabalingan ko ng tingin ang isang epal na hindi ko alam kung bakit sumasabay sa akin.

The eff?

Nakalabas na kami sa gate ng CBA Building. Malapit na rin kaming makalabas sa entrance ng CBA pero walang-imik na sumasabay pa rin siya sa paglalakad ko.

Nang makalabas na kami sa CBA ay tumigil ako sa paglalakad. At syempre, tumigil din siya. Hindi siya umiimik kaya hindi rin ako umimik.

Ilang sandaling katahimikan pa ang namagitan sa amin bago ako huminga nang malalim at saka nauna nang tumawid ng kalsada, papunta sa cafeteria.

He never fails to irritate me. Just like now, nakatawid na ako ng kalsada pero wala pa rin akong naririnig na mga yabag sa likuran ko. Balak niya bang tumayo lang doon sa entrance hanggang bukas?!

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Nang matanaw ko na ang entrance ng cafeteria ay saka lang siya patakbo na humabol sa akin.

“Sa cafeteria ka kakain?” hindi makapaniwala niyang tanong.

“Bawal ba?” pabalang na balik ko.

“Akala ko ba ayaw—”

“I've brought my own lunch,” mabilis na sagot ko. Simula nang malaman ni mommy sa kumakain ako sa cafeteria, umuuwi na siya palagi tuwing lunch para siguraduhing sa bahay ako kakain. Ang totoo niyan ay kaninang umaga, sinabi sa akin ni mommy na hindi siya makakauwi dahil busy siya.

I know it's troublesome for her to go home for lunch, and she knows it's the same for me. So, we decided to compromise. Sa cafeteria na ako kakain tuwing lunch basta magdadala ako ng sarili kong pagkain.

Balik sa kasalukuyan, wala akong narinig na sagot mula kay Epal kaya nilingon ko siya.

“Why are you spacing out?” nagtatakang tanong ko dahil nakatulala lang siya.

"Hm? Tara na, baka maubusan tayo ng upuan." That's the last words he said before he grabbed my forearm and dragged me without a warning.

The eff! Muntik pa akong madapa sa gulat!

Habang tumatakbo ay lumingon pa siya sa akin tapos tinawanan ako. I just rollled my eyes at him. Nababaliw na ba siya?

Pagkarating namin sa cafeteria, maliban sa panghihina physically, ay nanghina pa ako emotionally and mentally dahil sa dami ng tao sa cafeteria. Nagkatinginan kami.

“'Nagpa-reserve ako ng upuan kina Kris,” sambit niya.

Napasimangot ako bigla. Nagpa-reserve na pala siya, bakit kailangan pa naming tumakbo kanina?!

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon