Chapter 19 | Family and Friends

75 17 22
                                    

L A U R E N C E

Nasa kalagitnaan ako ng pag-so-solve ng isang math problem nang biglang tumayo si epal.

“Naubos ang tinta ng ballpen ko. Kukuha muna ako sa kwarto ko ng bago,” paalam niya.

“Anong meron sa ‘yo, Ken? Ba’t nagpapaalam ka pa?” natatawang sagot nung Kris.

“Akala niya ata pipigilan natin siya,” banat naman nung Clinton.

Nagtawanan pa sila pero hindi ako nakisali. Paglipas ng ilang segundo, tahimik na ang paligid at mukhang bumalik na sila sa pag-aaral pero hindi pa rin umaalis si epal. Na-di-distract ako dahil pakiramdam ko nakatingin siya sa akin kaya nag-angat na ako ng paningin. At hindi ako nagkakamali, nakatingin nga siya sa akin. Patanong ko siyang tinignan. Bumalik naman siya sa pagkakaupo saka lumapit sa akin.

“Aalis muna ako,” bulong niya.

“And so?” nagtataka kong tanong. Sinabi na niya kanina diba? Akala niya ba hindi ko narinig? Saka ano naman sa akin kung aalis siya?

Natahimik naman siya saglit bago nagsalita ulit.

“Baka lang hanapin mo ‘ko,” nakasimangot niyang sagot saka tumayo at naglakad palabas.

The eff? Bakit ko naman siya hahanapin?

Nagtatakang sinundan ko pa ng tingin ang likod niya saka nag-iwas nang makalabas na siya sa pinto. Pagkaiwas ko ng tingin ay nagtama ang mga mata namin ni kuya Sean. Patanong ko rin siyang tiningnan pero nginitian niya lang ako.

They’re really brothers. So effing weird.

Hindi pa ako tapos sa pag-so-solve kaya iwinaksi ko na ang mga iniisip ko at saka nag-focus sa ginagawa ko.

“Meow.”

Hindi pa ako nakakabalik sa pagsusulat nang isang meow naman ang umagaw sa atensyon ko. Tumingin ako sa ilalim ng upuan ko at may nakita akong isang orange na pusa na nakatingin sa akin mula sa ibaba.

Wala namang pusa dito kanina. Nakapasok lang siguro nang binuksan ni epal ang pinto kanina para lumabas.

“Meow.”

Wala sa isip na dinampot ko iyong pusa.

“Orange? Pano ka nakapasok dito?” gulat na tanong ni kuya Sean kaya napatingin ang lahat sa direksiyon ko.

“OMG! Look, babe, it’s so cute,” sambit nung Hazel habang tinuturo iyong pusa na hawak ko.

“I’ll buy you one,” sagot naman kaagad nung Jhasper.

“Nakakita lang ng pusa, naglandian kaagad?” bulong nung Clinton pero narinig din namin. Binatukan siya nung Jenelle at tinawanan naman siya ni Xian at nung Kris.

Nilibot ng pusa na hawak ko ang paningin niya sa lahat ng nasa table na parang kinikilala niya ang mga nandito. Nang tumama ang paningin nito kay Lance, bigla na lang itong tumalon mula sa mga kamay ko papunta kay Lance.

Nagkatitigan si Lance at iyong pusa. Pagkatapos ng ilang segundo ay walang tigil na sa kakabahing si Lance.

Oh yeah, he’s allergic to cats. But cats seem to like him, though.

“Lance?” nag-aalalang tanong ni Xian.

“Kunin mo iyong pusa. Allergic siya diyan,” pagbibigay-alam ko sa kanya.

Sinubukan namang kunin ni Xian iyong pusa pero ayaw nitong humiwalay kay Lance. Sinubukan din ng iba at pati si kuya Sean ay lumapit na pero kinakalmot ng pusa ang mga lumalapit sa kanya.

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon