Chapter 16 | Sister-in-law

75 13 17
                                    


K E N S H I N

"'Pag tinawag kayong sinungaling pero hindi naman talaga kayo sinungaling, ano ang gagawin niyo?" tanong ko kay kuya Sean at Kensan na nakaupo sa harap ko.

Abala sila sa mga kwento nilang sila lang ang nakakaintindi pero sabay pa rin silang napalingon sa akin nang marinig nila ang tanong ko.

"Ano?" naguguluhang tanong ni kuya Sean habang si Kensan naman ay nakakunot din ang noong nakatingin sa akin.

"Anong gagawin mo kapag napagkamalan kang sinungaling ng... ng kaibigan mo?" tanong ko ulit kay kuya Sean.

"Edi batukan mo!" walang pag-aatubiling sagot ni kuya Sean.

Dahil sa sagot niya ay naibato ko sa kanya ang isang hiwa ng loaf bread na hawak ko.

"Ano ba! 'Pag kaibigan ko 'yan hindi lang basta batok, imumod-mod ko pa sa sahig," dagdag pa ni kuya Sean saka kinain 'yung tinapay na binato ko sa kanya. Tinitigan ko lang siya nang blanko.

"Ba't ba ganyan ka kung maka-react? Kapal naman ng mukha ng kaibigan na 'yun kung tatawagin akong sinungaling!" depensa ni kuya Sean.

Naiiritang binawi ko na lang sa kanila ang paningin ko at nagbabalak na sanang tumayo mula sa pagkakaupo pero natigilan ako nang biglang magsalita si Kensan.

"Baka naman babae 'yan, kuya?" makahulugang tanong niya sa akin.

Pareho kaming napalingon ni kuya Sean sa kanya. Ang kaibahan lang, blangko ang mga mata ko habang si kuya Sean naman ay nanlalaki ang mga mata at muntik pang mabulunan.

"Tama, tama! Kaya naman pala hindi niya magawang batukan!" namamanghang sigaw ni kuya Sean.

Napabuntong-hininga na lang ako saka tatayo na sana ulit pero sa hindi ko malamang dahilan ay mabilis silang nakarating sa likod ng upuan ko. Hinawakan nila ang magkabilang balikat ko at pilit akong pinaupo ulit.

"Teka, sa tono ng pananalita mo sigurado akong hindi mo pa girlfriend. So ano, crush? Nililigawan?" pakikiisyoso ni kuya Sean na parang tuwang-tuwa siya sa mga nadiskubre niya.

"Hindi. Aakyat na ako," pagtanggi ko habang pinipilit na tumayo ulit pero mas malakas ang pwersa nilang dalawa kaya napaupo ako ulit.

"'Wag mo nang itanggi, kuya. Hindi mo ito poproblemahin nang ganito kung kaibigan mo lang talaga 'yun," pahayag naman ni Kensan.

"Ano ba'ng nangyari? Misunderstandings? Nakita ka niyang may kausap na iba tapos akala niya niloloko mo lang siya kaya tinawag kang sinungaling?" sunod-sunod na tanong ni kuya Sean sa tonong kaparehong-kapareho ng pananalita ni Kris.

"O baka naman hindi mo naipaparamdam sa kanya na seryoso ka?" tanong naman ni Kensan.

"Pwede, pwede. Manang-mana ka talaga sa akin, Kensan. Baka akala niya all this time pinagtitripan mo lang siya," pagsang-ayon ni kuya Sean.

"Ang mas malala pa dun... baka akala niya masama ang motibo mo," dagdag pa ni Kensan.

"Tapos iiwan mo rin siya kapag nakuha mo na ang gusto mo."

"Tapos hindi na niya magagawang magtiwala pa kahit kanino... forever and ever."

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mapapaisip na sana ako dahil sa mga sinabi nila pero nang maalala kong may pasok pa kami mamaya ay iwinaksi ko kaagad iyon sa isipan ko. Nagtangka akong tumayo ulit pero napigilan nila ako kaagad.

"Hep, hep. Sa'n ka pupunta? You asked the right person, Ken Sean the Cupid at your service," diretsong pahayag ni kuya Sean na nagpangiwi sa amin ni Kensan.

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon