Chapter 9 | Weird

94 13 10
                                    

L A U R E N C E

I never make the same mistakes again. Never.

Kaya naman, 6:40 AM pa lang ay pababa na ako ng tricycle sa harap ng CBA Building. Good thing na maayos ang tulog ko kagabi kaya maayos din ang gising ko. And for sure, magiging maayos din ang araw ko ngayon.

Pagkatapos kong magbayad ng trese pesos sa tricycle driver, isang asul na kotse na papasok sa entrance ng CBA Building ang umagaw sa atensyon ko. Epal as always. I'll ignore him for now.

Pagkaalis ng tricycle ay saglit na inayos ko muna ang kwelyo ng polo ko na hindi maiwasang magusot dahil siksikan palagi sa tricycle. But I decided to manifest positivity today so I would pay no heed to it for the meantime.

Naglalakad na ako patungo sa gate ng CBA Building at palapit na sa nakaparadang asul na kotse nang sakto namang bumukas ang pinto nito at lumabas doon si epal. Nabigla ako ng kaunti kaya napaatras ako. Habang siya naman ay nakatungtong na ang isang paa sa semento nang matigilan at napatingin sa akin.

“Good morning,” biglaan niyang bati.

“Good morning,” sagot ko naman by instinct.

Pagkatapos, natahimik ulit kami. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa gate. What the eff is wrong with him?

Habang naglalakad palayo, narinig kong isinara niya ang kotse at saka naglakad na rin patungo sa direksyon ko. Nang pumasok na kami sa hallway ay namalayan ko na lang na nakikisabay na siya sa paglalakad sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan pero walang kamuwang-muwang na tingin lang ang ibinalik niya kaya hinayaan ko na lang siya. Epal.

Malapit lang ang classroom namin kaya hindi nagtagal ay nakarating na kami sa pintuan ng CBA-1. Kalahati pa lang sa mga classmate namin ang nasa loob pero ang problema roon ay lahat sila nakatingin sa direksyon ko o namin dahil may epal nga pala akong kasabay. The eff.

Hindi ko na sila pinansin dahil ayaw kong masira ang good mood ko ngayong araw na ito. Naglakad na lang ako patungo sa upuan ko at sumunod naman si epal, syempre dahil seatmates kami. Nang makaupo na ako ay ramdam ko pa rin ang tingin nila sa akin o sa amin siguro. Mayamaya pa ay mayro'n nang hindi nakapagtiis at lumapit kay epal.

“Sabay kayong pumasok ah! Ano, bati na kayo? Tama 'yan, choose love not war,” pakikiisyoso kay epal ng isang classmate namin. Kung hindi ako nagkakamali sa pagkakaalala noong nag self-introduction kami, Carl ang pangalan niya. Wala sana akong balak na pansinin siya pero agad na sinamaan ko siya ng tingin nang marinig ko ang tanong niya.

At ang pinakaunang napansin ko pa sa kanya ay ang hindi maayos na kwelyo niya. Hindi nga niya maayos ang kwelyo niya, may oras pa siyang makiisyoso sa buhay ng iba?! The eff!

Nakahanda na sana akong banatan  siya pero nauna namang magsalita si Epal.

“Oo. Ayos na,” maiksing sagot niya habang nakangiti.

Napakunot naman ang noo ko sa sagot niya pero bago pa man ako makasingit ay nagsalita ulit 'yung Carl.

“'Yun oh! Mabuti naman! Dapat solid tayong mga BSA FRESHMEN!” malakas na sagot nung Carl saka tumawa. May mga pumalakpak pa sa mga kaklase namin at nakitawa naman ang ilan. What the eff is wrong with their heads?

“Anong ayos na?” naiiritang tanong ko kay Epal pagkaalis nung Carl.

Binalingan niya naman ako ng tingin.

“Bakit? Ayos naman talaga tayo ah,” painosenteng sagot niya.

Naiirita ako sa kanya pero ayaw kong masira ang good mood ko kaya pinigilan ko ang sariling kong sumagot nang pabalang sa kanya.

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon