Chapter 20 | Accounting Equation

84 15 24
                                    

L A U R E N C E

Inayos ko ang kwelyo ng polo ko saka huminga nang malalim.

The time has come. Today is our Midterm Examination.

Dumiretso ako papasok sa CBA Building. Tahimik ang paligid. Wala pang nagsisimulang mag-exam pero wala ang karaniwang ingay sa paligid tuwing wala pa ang mga professor. Kahit saan ako lumingon, mga estudyanteng nakasubsob ang mga mukha sa aklat ang nakikita ko.

The eff? Shouldn't they be relaxing their minds now?

Ano ba'ng pinaggagawa nila for the last two weeks para mag-cramming pa sila ngayon?

Whatever, I don't care about them. Unlike them, I am very confident that I will nail this examination. Nilaan ko ang lahat ng oras ko sa pag-aaral so I am not being confident for no reason.

Nakabukas na ang pinto sa classroom namin. Unexpectedly, maaga pa pero halos lahat ng mga classmate ko ay nandito na. Karamihan sa kanila ay kagaya rin ng mga nakita ko kanina—nag-ca-cramming. Pero mayro'n din naman ibang katulad ko na relaxed din ang itsura at mukhang may maisasagot mamaya.

Isa na diyan si Epal. Nakayuko lang siya sa desk ng armchair niya, at sa postura niya ay hindi mo masasabing may examination siya mamaya.

The eff? Isn't he being too relaxed?!

I rolled my eyes before making my way towards my seat. Hindi niya napansin ang pagdating ko dahil pataob siyang nakayuko. Nang dumaan ako sa kanya, sinadya ko pang iangat ang shoulder bag ko para tamaan siya sa ulo—just a little reminder na pumunta siya rito para mag-exam hindi para matulog.

Hindi na ako tumingin sa direksyon niya hanggang sa makaupo ako kaya hindi ko alam kung ano ang ekspresyon ng mukha niya, pero alam kong napabalikwas siya. Hindi ko naman kinailangan pang maghintay nang matagal para sa reaksiyon niya dahil ilang sandali pa, naramdaman kong may papel na tumama sa kaliwang balikat ko.

Pagalit kong binalingan ng tingin si Epal. Ang una kong napansin ay ang nakangisi niyang pagmumukha. Kasunod ay ang hawak niyang isang bond paper na nakarolyo.

The eff! He dared hit me!

Tiningnan ko muna siya nang masama saka inagaw iyong rolyo ng papel sa kamay niya. Sa sobrang pagkairita ay pinagpapalo ko siya nang ilang beses sa mukha niya. Isang rolyo lang ng papel ang gamit ko kaya kahit gaano ko pa lakasan ang pagpalo ko, puro tawa lang ang ginaganti ni Epal habang umiilag. Nang magsawa na siya sa katatawa ay hinawakan niya ang kamay ko at inagaw sa akin ang papel.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Mabuti na lang at walang nakapansin sa amin dahil busy sila sa pag-ca-cramming. Kung mayro'n man sigurong nakapansin, baka hindi na kami pinagtuunan pa ng atensyon dahil abala sila.

Tiningnan ko muna ulit nang masama ang nakangiting epal sa tabi ko bago ako tumalikod para buksan ang bag ko. Kinuha ko mula sa bag ang isang makapal na aklat saka inabot ito kay Epal.

“Sabi ko sa 'yo na lang,” naguguluhan niyang sambit habang nakatingin sa akin.

“Sabi ko hihiramin ko lang,” sagot ko naman saka diretsong inilagay sa mesa niya iyong aklat na ayaw niyang tanggapin.

Bumuntong-hininga siya at wala nang nagawa kundi kunin iyong aklat at ilagay sa bag niya. Pagkatapos, itinukod niya ang kanyang kaliwang siko sa desk ng armchair niya at saka ipinatong ang kanyang pisngi sa kamay niya. Nakangiti niya akong pinagmasdan.

“What?” nagtatakang tanong ko.

“Mukhang confident ka ah,” komento niya na nagpangisi agad sa akin.

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon