Chapter 2 | Kenshin

216 23 15
                                    

K E N S H I N

Napasandal ako sa pinto habang hinahabol ang paghinga ko. Sino ba namang hindi manghihina at mahihirapang huminga 'pag nakita niyong nanggagalaiti sa galit ang dean niyo?

Bumuntong-hininga ako at aksidenteng dumikit ang balikat ko sa balikat ni Guerero, na nakalimutan kong nakasandal din pala sa tabi ko. Para naman siyang napasong tumalon kaagad palayo sa 'kin. Tiningnan niya ako nang masama bago padabog na tumalikod at naglakad palayo.

Sinundan ko muna siya ng tingin, at saka lang ako naglakad pababa ng hagdan nung hindi ko na makita ang likod niya. Didiretso na sana ako sa Cafeteria pero nag-vibrate ang cell phone ko.

Si Kensan. Kapatid ko.

Pagkatapos ng limang minutong kakadada tungkol sa kawawang pusa na ni-rescue niya kanina sa likod ng classroom nila ay binabaan niya na lang ako bigla.

"..."

Ganyan talaga 'yan. Kung ano-ano lang ang pumapasok sa utak niya. Hindi na rin ako nagtataka dahil alam ko naman na sa aming tatlong magkakapatid, ako lang ang normal. 

Tiningnan ko ang wristwatch ko. 15 minutes pa bago mag-lunchbreak.

Mabuti na lang at warning lang ang binigay ni Dean kanina dahil 'pag nalaman nina Mama at Papa na pinatawag ako sa Dean's Office ay siguradong ilang oras na sermon na naman ang aabutin ko.

Habang naglalakad pababa ay may nakakasalubong akong pamilyar na mga mukha. Pilit akong ngumiti sa kanila kahit medyo kumikirot pa ang kanang pisngi ko. Nilakasan niya talaga ang pagkakasapok sa 'kin.

Magta-tatlong linggo pa lang simula noong unang araw ng pasukan pero dahil dito rin ako nag-aral mula elementary ay hindi na gano'n kalaking adjustment ang kailangan ko. Pamilyar na lugar at pamilyar na mga mukha. Maliban na lang sa isa.

Ba't hindi ko man lang nabalitaan na uuwi sila rito?

"Tulala ka pa rin ba sa sapak ni Guerrero?" Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa direksyon ng pinanggagalingan ng nagtatawanang mga boses.

"Ba't nandito pa kayo? Hihintayin niyo pa bang maubos ang upuan sa cafeteria?" tanong ko sa kanila.

"Ken, my good friend, Ken. Sa tagal ng pinagsamahan natin sa tingin mo ba iiwan ka namin? Syempre, hindi! Kaya naman..."

"Hinintay niyo muna ako bago kumain?" nagdududa kong tanong.

"Kaya naman nauna na kaming kumain— Aray!"

"Syempre nauna na kaming kumain para may energy kaming iganti ka kay Guerrero."

"Sus! Sinong lolokohin mo? Eh puro pagkain lang naman nasa isip mo."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Sumasakit ang tenga ko sa mga boses nila kaya nauna na akong maglakad. Sasalubong pa talaga sila para lang guluhin ako. Hindi ba nila nakikitang may iniisip ako?

"Uy Ken, walang utang na loob! Hinintay ka namin tapos uunahan mo lang kami!" sigaw ni Jhaspher. Isa sa mga kaibigan at kaklase ko.

Hindi ko siya pinansin, at mas binilisan ko pa ang paglalakad. Hindi naman gano'n ka layo ang distansya ko sa kanila kaya naririnig ko pa rin ang usapan nila.

"'Asan na ba 'yong Guerrero?"

"Kailangan pa bang tanungin ang location ng Gurrero na 'yon? Malamang umuwi na, lunchbreak na eh."

"Sabagay. Eh simula nang dumating 'yan dito ni hindi ko nakitang pumasok sa Cafeteria 'yan"

"Nakalimutan niyo na ba?" Sa tono pa lang ng pananalita ay alam ko nang si Kris ang nagsasalita. Sino pa ba maliban sa kanya ang hari ng tsismis?

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon