Chapter 8 | Happy Birthday

108 17 7
                                    

L A U R E N C E

Another sleepless night.

Great, just effing great.

Minulat ko ang aking pagod na mga mata at blangkong tumingin sa puting kisame ng kwarto ko. Pagkatapos ng ilang minuto, inabot ko ang cellphone kong nasa bedside table saka tinignan kung anong oras na.

6:54 AM
September 2 | Sunday

Alasais ng umaga ako karaniwang bumabangon pero dahil dalawang araw na akong hindi nakakatulog ay gustuhin ko mang gawing productive ang araw ko, wala akong ibang magagawa kundi tumulala muna sa kisame. I've never neglected my studies even on weekends but of course, I always make sure to let myself relax from time to time. But look at me now, I feel more effing tired than I was on weekdays.

Nararamdaman ko ang bigat sa aking mga mata pero hindi rin naman ako nakakatulog kapag pumipikit na ako at kung ano-ano pa ang pumapasok sa isip ko. I can't sleep and I don't have the energy and motivation to be productive—kaya mas pinili ko na lang na makipagtitigan sa kisame.

Makapal ang mga kurtina sa bintana ng kwarto ko kaya hindi pumapasok ang sinag ng araw. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ang lumipas at tinatamad din akong kunin ang cellphone kong naibalik ko na kanina sa bedside table.

It's been so long since I've felt this down and it's even worse this time—I can't even find the motivation to function normally. I don't wanna get up. I don't wanna sleep but I don't wanna be awake either. Amidst this set of complex emotions, I can't help but recall my mommy's words before going back here.

It's alright, baby son. Babalik tayo sa probinsya. Your lolo and lola's place, remember? You've been there before. You have friends there, right? It's gonna be alright. We'll live normally again”

It's not alright. Nothing's alright at all.

Palagi kong sinasabi na hindi ako umaasang may babalikan akong tahanan at mga kaibigang makakaintindi sa akin dito. Pero isa iyong malaking kasinungalingan. All this time, I've actually been hoping that we could find solace here, just like how I found it when I was eight. But now, all these false hopes are weighing down on my shoulders. It turned out that false hope weighs heavier than being hopeless.

Bumibigat na naman ang talukap ng mga mata ko kaya hinayaan ko na lang na unti-unting pumikit ang mga mata ko. Pero kung kailan naman pakiramdam ko ay makakatulog na ako, saka naman naglitawan ang mga masasamang alaalang pilit kong kinakalimutan. Nilabanan ko ang antok at pilit na minulat ulit ang aking mga mata. Pagkamulat ko ay saktong kumalam ang sikmura ko kaya pinilit ko na ring tumayo kahit parang umiikot ang paningin ko.

Habang minamasahe ng kaliwang kamay ko ang sintido ko ay dahan-dahan akong naglakad sa direksyon ng pinto at saka binuksan ito. Ayoko nang madulas ulit sa hagdan kaya dahan-dahan din akong naglakad pababa. Pagkababa ko ay napansin ko agad na napakatahimik ng bahay. Wala ba rito si mommy?

College graduate with Latin Honors si mommy at idagdag pa ang malaking experience niya sa siyudad, madali siyang nakapasok ng trabaho sa munisipyo rito sa probinsya. Syempre kagaya ng ibang government employees, wala rin silang pasok tuwing weekends.

Hindi ako ginigising ni mommy tuwing weekends pero pagkababa ko ay kung hindi nasa garden o sa kusina, palaging nanonood ng palabas si mommy sa lumang TV na nasa sala.

Naglakad ako patungo sa direksyon ng kusina. Wala rin doon si mommy pero may note akong nakitang nakaipit sa ilalim ng food container na may lamang pancakes.

'Good morning, baby son! Be good, and have breakfast. You didn't eat well yesterday. Mommy is out for something important. Okay, be right back!'

Ibinaba ko ulit ang note sa mesa at hindi ko maiwasang mas lalong panghinaan dahil mag-isa lang ako rito. Tahimik kong kinain iyong pancakes sa mesa saka wala sa isip na bumalik ulit sa kwarto ko pagkatapos. Sinubukan kong mag-aral pero kagaya ng nangyari kahapon, nagpaulit-ulit lang ako sa isang pahina at wala akong kahit isang salitang naintindihan. Sa huli ay isinara ko ang aklat ko, maayos itong ibinalik sa bookshelf, saka umupo ulit at yumuko sa study table ko. Ilang sandali pa ay inangat ko nang kaunti ang ulo ko at tumama ang paningin ko sa isang maliit na kalendaryo sa gilid ng mesa.

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon