Chapter 7 | Homophobia

118 16 10
                                    


‼️TRIGGER WARNING ‼️

Depictions of Homophobia

(This chapter doesn't intend to stereotype gays)

L A U R E N C E

Fifteen minutes was spent out of one hour lunchbreak because of late dismissal. Leaving forty-five minutes.

Ten minutes was spent on the effing conspiracy of Xian and Lance. Leaving thirty-five minutes.

Another fifteen minutes was spent during the confrontation with epal and his friends. Leaving a final total of twenty minutes.

Effing twenty minutes before the afternoon classes!

Twenty minutes na lang pero siksikan at maingay pa rin dito sa Cafeteria. I mean, lahat maingay—maliban na lang sa table namin.

Dahil sa wala akong choice kasi imposibleng makabalik pa ako on time sa loob ng twenty minutes, I reluctantly sat with them. Pinagdugtong nila ang dalawang table, at walo kaming nakaupo rito. Lahat tahimik, at walang ibang maririnig maliban sa pagtama ng kutsara at tinidor sa plato.

Nakaupo sa magkabilaang dulo ng table si Epal at 'yong Clinton. Mula sa kanan ni Epal papunta ro'n sa Clinton ay 'yong Jenelle, 'yong Rhod, at 'yong Kris. Mula naman sa kaliwa nung Clinton papunta kay Epal ay sina Xian, Lance, at ako.

Don't ask me why the eff I am sitting next to this epal! It's not like I want to!

Ako ang huling pumunta sa table, at isang upuan na lang ang available. Gusto kong makipagpalit ng pwesto kay Lance, pero hindi niya ako pinansin. Ayaw ko namang kausapin si Xian dahil na gu-guilty pa rin ako. Mas lalo namang ayaw kong kausapin iyong mga alipores ni Epal kaya wala na akong ibang choice.

How many effing times had I been left with no other choice this day?!

Karamihan sa mga estudyante ay katulad namin na 1:00 PM din ang pasok kaya karamihan ngayon ay nagmamadaling kumain. Pero may iba pa ring masyado yatang maraming libreng oras, at nagagawa pang tumingin-tingin sa table namin. Hindi ako sigurado kung dahil ito sa eksena kanina, o dahil sa nagtataka sila kung bakit ang dalawang estudyanteng napaabot pa sa Dean's Office kahapon ay nagbibigayan ng upuan ngayon.

Kung sila nga ay nagtataka, ako pa kaya?!

What the eff is he pulling again?! Is he selling sympathy? As if I would buy that! But there's no doubt that after all of this, ako na naman ang lalabas na masama at unreasonable.

Hindi naman gano'n kaliit ang upuan niya, mas mababa nga lang nang kaunti sa upuan dito sa Cafeteria at wala pang sandalan sa likod kaya hindi komportableng tingnan lalo na kung kasing tangkad niya ang nakaupo. Bentang-benta sa iba sigurado ang 'sacrificing one's comfort for the sake of others' niyang itsura ngayon. The eff.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may kung sinong naglagay ng chicken adobo sa harap ko.

Adobo?

I secretly gulped.

Nahuli kami kaya ginisang gulay na lang ang naabutan naming ulam. Si Xian naman ay siguradong nanghingi na iyon ng ulam sa iba. Kaibigan naman ng lahat iyan.

"Naaalala mo ba si Kensan, 'yong kapatid ko? Siya nagluto niyan," singit ni Epal habang nag-iisip ako.

Kensan? Oo nga pala, may dalawang kapatid pa si Epal, at pangalawa siya sa tatlo. Si Kensan ang bunso nila. Binalingan ko siya ng tingin habang nilalapit niya pa sa akin ang pinaglagyan ng adobo.

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon