Chapter 14 | Punishment

82 13 27
                                    

L A U R E N C E

"Kami na ni Xianren."

Kalmadong pahayag ni Lance habang nakaakbay kay Xian. Napatingin kaming lahat sa kanya. Pare-parehong hindi maganda ang mga ekspresyon namin sa mukha pero ako ang pinakamalala ang reaksyon sa kanila.

"Naririnig mo ba iyang sinasabi mo?!" naiinis na sigaw ko sa kanya.

"Malamang naririnig ko. Matagal na naming pinag-usapan 'to at hindi ko kailangan ang opinyon mo," pabalang na sagot niya sa akin.

The eff! I am definitely not letting this happen! Hinawakan ko nang mahigpit ang braso ni Xian at hinigit siya papunta sa akin.

"Sa akin si Xian!" pakikipagtalo ko kay Lance.

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?" nakakunot na tanong ni Lance.

"Malamang naririnig ko, at wala akong pakialam sa opinyon mo!" panggagaya ko sa sagot niya kanina.

Mukhang naiinis na rin si Lance dahil hindi na niya magawang kumalma. Hinawakan niya rin nang mahigpit ang isang braso ni Xian at hinigit ito sa direksyon niya.

Pagkatapos ng ilang atras-abante ay naagaw niya sa akin si Xian. Kinuyom ko ang mga kamao ko at nakahanda na sanang bawiin siya ulit pero biglang may sumingit sa amin.

"Ano ba 'yan! Pipili na nga lang ng makakasamang maglinis ang dami niyo pang drama!" naiinip na singit nung Rhod sa usapan namin.

Napagdesisyunan last week na bilang punishment namin, maglilinis kami ng buong CBA Building every afterclass for one week. Lunes ngayon kaya ngayon ang simula ng punishment at matatapos naman sa Biyernes. For some obvious reason, nasa second floor iyong mga 2nd year samantalang kami ay nasa first floor kung saan mas marami ang mga room.

It's quite embarrassing but most of us don't have much experience in cleaning, including me. Kaya napagdesisyunan naming maglinis ng rooms by pair para magawa namin nang tama at mas mabilis. Walong magkakatapat na rooms ang nasa first floor kaya saktong tig-dadalawa bawat pares.

"Eh ang daya pa rin! Mabilis kaya 'yan maglinis si Xian. Magka-patrol kami nung Scouting, kami palagi ang nauuna!" nagmamalaking sambit nung Clinton.

"Asus! Nabalitaan ko kasi na puro kain ka lang daw sa camp niyo," natatawang banat nung Kris.

"Ba't ba lahat nalang nababalitaan mo?!" naiinis na reklamo nung Clinton na nagpatawa sa ilan.

"'Wag niyo ngang pagtawanan si Clinton, kami rin kaya ang nanalo sa eating relay dahil sa kanya!" depensa naman ni Xian dun sa Clinton na mas lalo lang tinawanan nung iba.

"Xian, ba't ang sama mo sa 'kin?" nakangusong reklamo nung Clinton kay Xian.

"Anong masama? Proud nga ako sa 'yo eh," nagtatakang sagot ni Xian.

"Proud nga kasi kami sab'yo," natatawang panggagatong nung Jhasper.

"Pwede bang simulan na natin 'to?" naiinip naman na singit nung Rhod.

"Ito na, ito na. Sisimulan na, ba't ba ang inipin mo lately?" natatawa pang biro nung Kris pero sinimangutan lang siya nung Rhod.

"Okay, ganito gawin natin. Si Clinton at Jhasper sa pinaka—

"Ipapares mo talaga kami ni Clinton? Baka natapos na kayong lahat hindi pa kami nakakabura ng blackboard!" reklamo nung Jhasper na sinuportahan din nung Clinton.

"Okay, okay. Sige, kami na lang ni Young Master Jhasper dun sa pinakadulo. Tapos si Xian at—

Nagpabalik-balik ang tingin sa amin nung Kris. Tinignan ko naman nang masama si Xian.

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon