Chapter 25 | Eros

90 12 25
                                    

L A U R E N C E

“Nakita niyo ‘yong part na may inihagis tapos takbo ako agad, tapos nasalo ko! Sakto sa music, do'n sa boom, boom, bam bam!”

“Xian! Nakita namin, ang galing mo ro’n! Pero paulit-ulit na ‘yang kwento mo!”

“Hindi! Teka lang, may ikukwento pa ako! Nakita niyo rin ba ‘yong tumbling tumbling sa unahan tapos… tapos, ano nga ulit ‘yon Lance?”

“Tapos gumawa kayo ng pyramid formation.”

“’Kita mo na? Kabisado na ni Lance oh!”

Unang araw ngayon ng mga palaro sa University Games. Maagang nagsimula kanina ang mga athletic games, at ngayon kakalabas lang namin sa Cafeteria pagkatapos naming mag-lunch.

Nasa unahan ‘yong iba at naglalakad papuntang quadrangle, samantalang nasa likod nila kami ni Epal.

Speaking of Epal, kanina pa siya hindi masyadong nag-iingay. Actually, kagabi pa ako nakakapansin ng kakaiba. He looks so down. What the eff happened? Did he misunderstand something again?

“Laurence! Kenshin!”

Napalingon kaming lahat sa dalawang BASC Officers na papalapit sa amin.

“Nagkulang tayo sa bottled water, pwede bang kayo na lang ang bumili?”

“Akala ko ba may naka-assign diyan?” nagtatakang tanong ko.

“Nakabili na pero wala pa siya rito. Naubos na rin iyong binili namin kanina. Hindi na natin mahihintay kasi isang oras pa raw bago siya makarating,” paliwanag nila.

Nagkatinginan kami ni Epal sa unang beses ngayong araw na ito.

***

“Wala na, ubos na ang supply namin.”

“Wala na mga pogi. Bukas pa dadating.”

“Wala na. Ang daming naghahanap ngayon eh.”

I slumped my shoulders depressingly. Tatlong convenience store na ang napuntahan namin pero wala kaming mahanap na bottled water. Lumapit na rin kami sa ilang sari-sari store pero wala rin kaming mabilhan.

The demand is exceeding the supply. There's a shortage of bottled water in this town!

Katatapos pa lang ng lunch time kaya tirik na tirik ang araw. Pinunasan ko ulit ng panyo ang mukha kong pawisan. Pinunasan ko rin ang batok ko at kagaya ng inaasahan, may naramdaman akong mga rashes.

Ang init ng panahon kaya hindi rin maiwasang mag-init ang ulo ko.

“Bakit ba kasi hindi nila magawa nang tama ang dapat nilang ginagawa? Naka-assign na nga ang mga tasks tapos iba pa ang maghihirap dahil late sila?!”

Sinipa ko iyong maliit na batong nasa harap ko at tumama ito sa isang trash can sa kanto. Narinig ko namang bumuntong-hininga si Epal.

“Puntahan na ‘tin sina Kris,” sambit niya sa akin.

Kris? Kasama namin sila ni Rhod kaninang umaga pero umuwi sila agad pagkatapos ng basketball match nila. Sabi nila maraming customer daw ngayon kaya nagmamadali sila.

“Ano namang gagawin natin do’n?” nagtatakang tanong ko. Akala ko ba nagtitinda sila ng gulay sa palengke? Nagtitinda na rin ba sila ng bottled water ngayon?

“Ihihiram kita ng payong,” sagot niya saka nag-iwas ng tingin at tumingin sa malayo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko rin magawang tumingin sa kanya, kaya tumingin na lang din ako sa kahit saan basta hindi sa direksiyon niya.

Sa palengke nagtitinda sina Rhod at Kris kaya tahimik kaming naglalakad papunta ro’n. Hindi nagtagal, nakarating na rin kami at nakita ko silang dalawa na pinapalibutan ng customers.

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon