Chapter 28 | Mr. and Mrs. Gutierrez

161 6 4
                                    

K E N S H I N

‘Hindi naman masamang umasa basta siguraduhin mo lang na may aasahan ka talaga’. ‘Yon ang huling sinabi ni Kris bago siya naglakad sa likuran, papunta sa upuan niya.

Umasa lang kapag sigurado ka? Kailan ba masasabing umaasa ka? Kapag gagawin mo ang isang bagay na sigurado ka na sa kalalabasan? O kapag tumataya ka sa isang bagay na walang kasiguraduhan?

Napabuntong-hininga ako, at yumuko sa mesa ng upuan ko. Malapit nang magsimula ang pang-hapong klase namin kaya hindi nagtagal ay nakarinig na ako ng mga papalapit na boses.

“Gagi! May quiz nga pala ngayon. Nag-review kayo?”

“Ikaw lang naman puro ML dyan.”

Istorbo talaga sa ML ang pag-aaral.”

“You mean, istorbo sa pag-aaral ang ML?”

“I meant what I said.”

Napatingin ako sa pintuan ng classroom namin. Tapos na ang lunchbreak, at pabalik na rin ang mga kaklase ko sa classroom namin.

“Bye, Xian. Bye, Lance. Tagal niyo nang hindi sumasabay sa amin mag-lunch,” rinig kong paalam ni Jenelle kina Xian at Lance.

“Bye. Sabay rin kami bukas,” nakangiting sagot ni Xian. Tumingin pa siya sa loob ng classroom namin, at kinawayan ako bago naglakad paalis kasama ni Lance papunta sa classroom nila.

Nagsimula nang pumasok ang mga kaklase ko sa loob ng classroom, at may mangilan-ngilan pang tatapik sa balikat ko sa tuwing dadaan sa akin.

Nang makapasok na lahat ay napatingin na naman ako sa bakanteng upuan sa tabi ko. Ba’t wala pa siya?

Pagkatapos kong itanong ‘yon sa isip ko ay saktong pumasok siya sa pintuan. Mabagal siyang naglalakad papasok habang nakatutok sa phone niya. Hindi ko alam kung anong nakakaaliw na bagay ba ang nakita niya, at nakatuon ang buong atensyon niya rito.

Sa kakaisip ko ay hindi ako nakapaghanda nang mag-angat siya ng paningin. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya pero hindi ako nag-iwas ng paningin, at gano’n din siya. Hanggang sa tumigil pa siya sa paglalakad, at tiningnan ako nang patanong. Agad akong umiling at tumingin sa malayo, habang siya naman ay nagpatuloy sa paglalakad.

Nasa tapat na siya ng upuan niya pero bago pa siya umupo ay nakikita ko sa gilid ng paningin ko na may kinuha siya sa bag niya. Habang pinagmamasdan ang mga galaw niya, hindi ko maiwasang mapaisip na baka hindi maganda ang naging dating na bigla-bigla na lang akong umalis kanina. Ako ang palaging nangungulit sa kanya no'n na sumabay sa amin tapos iniwan ko lang siya kanina.

Gusto ko siyang makausap pero hindi ko alam kung paano magsisimula. At kung kailan naman nakapagdesisiyon na akong kapalan ang mukha ko, tatlong maliliit na pakete ng cookies ang sumalubong sa mukha ko pagkalingon ko sa kanya. Nagtatakang napatingin ako sa kanya pero iniwasan niya ang mga mata ko.

“Eat something,” maikling sambit niya sa paos na boses, na mas pinahina pa ng face mask na suot niya.

Nailunok ko ang lahat ng salitang balak kong sabihin kanina. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa ‘to pero hindi na niya ako tinapunan pa ng tingin. At higit sa lahat, masyadong magulo ang takbo ng isip at tibok ng puso ko para makapagbigkas ng isang salita.

***

Tapos na ang klase namin sa araw na ito. Tahimik akong naglalakad sa likuran niya habang nginunguya sa bibig ang panghuling piraso ng cookies na binigay niya sa ‘kin.

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon