Chapter 17 | Ignored

93 12 17
                                    


L A U R E N C E

Tuwing Miyerkules, may tatlong oras kaming bakante sa pagitan ng dalawang subjects sa umaga.

"Class dismissed. See you on Friday for our assessment"

Kung para sa ibang kaklase ko, ang tatlong oras na yun ay para mag-relax at magkwentuhan, sa akin hindi. Dahil palagi kong ginagamit ang panahon na 'yun para sagutan ang mga exercises na nasa dulo ng bawat lessons sa libro ko.

Pero nitong mga nakaraang linggo, hindi na natahimik ang pinakamamahal kong tatlong oras na iyon. Sa tuwing magsasagot ako, palaging may epal na paturo nang paturo sa akin. Mula sa pinakamadaling tanong hanggang sa problem solving, wala siyang pinapalampas. Tapos maya-maya bigla nalang magbabago ang usapan at mag-aaya siya ng lunch. Nakakapanibago nung una pero habang nagtatagal ay nasasanay na rin ako.

Ayokong aminin pero nasanay na ako na may epal na palaging may magtatanong sa akin kung ano ang account na gagamitin, kung ano ang ide-debit at ano ang ice-credit, at maging kung ano ang explanation na dapat ilagay sa mga journal entry.

At dahil nga sa nasanay na ako, kung gaano ako nanibago nung una niya akong inistorbo, ay ganon din kung pano ako manibago ngayong hindi na niya ako kinikibo. The eff.

Ilang sandali pagkatapos magpaalam ni Ms. Caballero ay nailabas ko na ang libro ko at nagsimula nang magsagot pero wala paring eepal-epal na kumakalabit sa akin. Hindi nagtagal, pinipilit kong mag-focus sa isang problem na sinasagutan ko nang may ballpen na tumama sa mesa ko.

I effing knew it. Hindi talaga pwedeng hindi niya ako iistorbohin.

Kaagad akong lumingon sa katabi kong epal at handa na sana akong tumalak pero wala akong nakitang epal sa tabi ko. Tumingin ako sa baba at nandon pala siya pinupulot yung ballpen na nahulog niya. Pagkatapos niyang pulutin ang ballpen niya ay tahimik lang siyang bumalik ulit sa pagsusulat nang hindi man lang ako binabalingan ng tingin.

What the eff?

Gusto kong mapanganga pero hindi yun magmumukhang 'cool and elegant' kaya wag nalang. Nakakunot ang noong tinitigan ko muna siya bago naiiritang binawi ang tingin ko nang wala man lang akong nakuhang reaksiyon mula sa kanya.

What the eff is his problem? Sa pagkakaalala ko, the last time he looked at me was yesterday when I declined his offer to eat lunch with him. Pagkabalik ko nung hapon nayun para sa afternoon classes hanggang ngayon ay parang hindi na niya ako nakikita. And don't even get me started with how he switched partners during our cleaning punishment.

Whatever, it's not like I care. He could ignore me all he want and I wouldn't even budge.

"Ken," tawag nung Kris kay epal.

"Hm?" sagot ni epal. Nakikita ko sa peripheral vision ko na patuloy parin siya sa pagsusulat at hindi niya nilingon ang mga kaibigan niya.

"Malapit na ang midterms natin diba kaya why not mag-group study tayo?" pahayag naman nung Jenelle na kasama nung Kris.

Napansin kong napatigil sa pagsusulat si epal pero bago pa siya makapagsalita ay isang Xian na may nakabuntot na Lance ang pumasok sa classroom namin.

"Rence!" tawag kaagad sa akin ni Xian habang dire-diretsong naglalakad papunta sa akin.

Nag-angat ako ng paningin at patanong na tinignan si Xian. Naglakad naman siya papasok pa sa row ng mga upuan namin at dire-diretsong umupo sa mesa ng arm chair ko. Mabuti nalang at naialis ko kaagad ang libro ko dahil kung hindi ay baka naupuan niya pa ito at natupi. It would be the death of me kapag may nagusot na kahit isang pahina sa libro ko.

Mr. Homophobe Fell In Love With A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon