FRANZ POV'S
"Ma naman kasi, bakit mo pa sya ininvite na dito kumain, nagka baligtad tuloy. Tayo pa ililibre nya, nakakahiya yun..."
Naririnig kong bulong ni Angela sa Mama nya habang nasa byahe kami. Sa kotse ni Anjo kami nakasakay, nasa unahan ako nakaupo habang sila Angela at Mama nya nasa likod.
"San nyo po gustong kumain Tita?" sabi ko na nakatingin sa kanila sa rearview mirror ng kotse.
"Kahit saan na lang Franz, hindi na kami mamimili." sabi ni Tita.
"Sigurado ka Ma? Baka mamaya dalhin ka ni Franz sa hotel, di ka magkanda ugaga dyan."sabi ni Anjo.
Bahagya akong napatingin kay Angela sa rearview mirror. Nakanguso lang sya habang nakatingin sa labas ng kotse. Halatang parang ayaw nyang sumama. Gusto ko na syang kausapin, ayokong di kami magkausap o di nagpapansinan. Pero kailangan ko pang magpigil. Baka kasi umabot a sya sa boiling point nya.
Nakarating kami sa isang Chinesse resto near Dasma. Buti konti lang yung tao. Bago kami pumunta dito, tumawag na ko sa resto for reservation.
Biglang nagring ung cellphone ni Angela.Sinagot naman nya agad.
"Hello?
Nasa labas kami...
Pasensya ka na ha...
Mamaya na lang, pag uwi namin...
Ok, thanks...
Bye..."
Narinig kong sabi nya sa kausap nya. Sino kaya yun?
"Sino yun?" tanong Mama nya.
"Si Roy Ma," sagot nya.
"Si Roy? Kelan ka pa tinatawagan nyan?" tanong ng Kuya nya.
"Ngayon lang po Kuya..."
Patuloy lang ako sa pakikinig sa usapan nila.
"O, bakit daw?" naka ngiting tanong sa kanya ng Mama nya.
Sino kaya yung Roy na yun, ba't parang masaya Mama nya ng malaman kung sino yun.
"Wala naman Ma, papasyal daw sya sa bahay, eh sabi ko nasa labas tayo..." sagot nya.
"Papasyal o manliligaw? Meron ka bang di kinukwento sa akin bunso?" tanonh ni Anjo.
"Wala kuya, si Roy lang yun, yung dating kapitbahay naten..." sabi ni Angela.
"Na manliligaw mo na ngayon... Ba't ayaw mong sabihin sa Kuya mo?"
Ah... yun naman pala, manliligaw, anu naman kaya itsura ng unggoy na un?
"Ma! Wala talaga akong maitago sayo pag si Kuya kausap mo! Lahat chinichismis mo sa kanya..."nagtatampong sabi nya.
Nakanguso sya habang papasok na kami ng resto. Ang cute.
"Ah! Si Roy?! Maige ng yun manligaw sayo kesa yung lagi mong kasamang lalaki na wala ng alam isuot kundi itim..."
Sino nanaman yun? Andami palang nakapaligid na lalaki sa buhay ni Angela.
Lumapit na kami sa mesang pina reserve ko para sa amin. Dumating yung waiter at kinuha yung order namin.
"Kuya, what time tayo uuwi?" tanong ni Angela.
"Bunso, kararating lang natin, pag uwi na inaatupag mo? Nakakahiya naman kay Franz..."
Bulong ng Kuya nya sa kanya.
"Magpapalit kasi ako ng string ng gitara ko, kailangan ko pa bumili." narinig kong sabi nya.
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Teen FictionMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)