Safe naman kaming nakarating dito sa tapat ng bahay. Past 7pm na nun. Buti naman at hindi masyadong traffic pauwi.
Hindi na rin naman kami nag usap ni Franz habang nasa biyahe.
Josko, panu ako bababa ng kotse nya. I mean, lalayas na ba ako bigla? Ung bulaklak, nasa backseat pa.
"Thank you." yun lang nasabi ko.
"Ok lang... Always..."sabi nya.
Bumaba na sya ng kotse. Pinagbuksan ako ng pinto. As usual. Pagbaba ko, hindi ko alam kung ngingitian ko ba sya o hinde. Mas pinili kong hinde.
Lumingon ako sa bahay namin. Nakita kong bukas lahat ng ilaw. Himala. Tapos nakita kong sumilip si Mama sa bintana."Angela, etong flowers..."sabi nya.
Kinuha ko naman. Di ko namalayan na nakuha nya na pala sa backseat ung flowers.Lumabas ng bahay si Mama, nagbukas ng gate.
"Kala ko gagabihin na kayo, buti di kayo na traffic..."
Nagbeso ako kay Mama. Sumunod namang nag beso si Franz.
"Pasok ka muna Franz, pahinga ka muna bago ka bumiyahe."sabi ni mama..
"Ma, oh..." inabot ko naman kay Mama yung bulaklak.
"Aba, himala, binilhan mo ko ng bulaklak, di ba wala kang hilig sa flowers?" sabi ni Mama.
"Hindi saken galing yan..." sabi ko.
"Ah, ok... Thank you Franz..."naka ngiting sabi ni Mama.
"Wala po yun Tita..."Matipid na sagot nya.
"Pasok ka muna, para makapag paalam kay Anjo."
"Ah, cge po Tita..."
Pumasok na ako sa loob, nakita ko si Kuya na kausap si Roy sa sala... Si Roy nga pala!
"O, nandito na pala yung prinsesa namin..." bungad nu Kuya saken."O, boi, salamat sa paghatid mo kay utol." lumapit sya ky Franz at tinapik to sa balikat.
"Ayus lang yun boi..."
"Bunso, magpalit kna ng damit mo at ikaw naman mag entertain kay Roy. Kanina pa sya nanjan eh..." sabi ni Kuya.
Lumingon ako sa sala, nandun nga si Roy, nakakahiya naman itsura ko haggard na ata.
"Hey Roy, kanina ka pa?"bati ko.
Nagkwentuhan naman si Kuya ko at Franz sa kusina.
"Medyo... Nagtext ako sau..." tumayo sya sa kinauupuan nya, ayun magkasing tangkad lang pala sila ni Franz...
"Ah, meron ba? Lobat kasi phone ko... Check ko later..." sabi ko.
"Ok lang..."
"Wait, bihis lang..."
Nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Humarap sa salamin, nagsuklay sandali ng buhok. At konting baby powder sa mukha.
Maya maya, bumaba na ako sa sala. Naabutan kong nag kukuwentuhan sila Mama, Roy at Franz.
"O,bilisan mo, kanina pa si Roy nandito. Pag uwi namin naabutan namin sya sa labas."sabi ni Mama.
Lumapit na ako sa pwesto nila. Umupo ako sa tabi ni Mama, sa katapat na sofa nila Roy at Franz. Magkatabi sila.
"Pasensya kna Roy, bumili pa kasi ako ng string ng gitara ko."
"Ok lang... Mukhang ready ka na sa ball ah..." sabi nya.
"Ball? Anung ball?" tanong naman ni Mama.
Pinandilatan ko naman ng mata si Roy. Bat nya kase inopen ung tungkol sa Ball. Di pa nga ako sure na sasama.
Nahuli ko naman na parang natawa si Franz sa tabi ni Roy.
"Ah, yung Graduation Ball sa school Ma...."
"Graduation Ball? Aattend ka?"aso ni Mama.
"Wait, magkakilala na ba kau?" tanong ko kay Franz at Roy.
Tumango lang si Franz.
"Oo, kanina... Si Tita nagpakilala sa amin..." naka ngiti naman ng makahulugan sa akin si Roy. Anu yun?
"So, what about the Ball? Aattend ka ba? Kelan ba yun?"tanung ulit ni Mama.
Grabe, wala talagang ligtas sa kanya. Iniiba ko na nga usapan eh.
"Depende Ma... Magulo pa isip ko sa mga bagay bagay..."sabi ko..
"Panung magulo, eh Graduation ball lang naman un... Parang JS Prom lang yun."sabi ni Mama.
"Kase po Tita..." sisingit na sana si Roy nung hinarang ko na yung sasabihin nya.
"Kase Ma..."
"Ano nanaman yang secret mo Angela?" sabi ni Mama.
"Kase Ma..., Pinapatugtog ung grupo ko sa Ball..."
"Grupo mo? Eh di ba wala kamo si Neil?"
Tumingi naman sa akin si Franz.
"Tatanung ko pa sana si Franz... kung pwede sya mag sub kay Neil..." sabi ko.
Grabe, I can't face him eyes to eyes... After ng pinagsasabi ko sa kanya kanina. Would he accept it?
Sapaw ka talaga Roy. Naku... Makakalbo kita pag nagkataon.
Naka tingin naman saken si Roy at Franz. Pero mas iba ung tingin ng huli. Maybe he was confused why I didn't tell that to him earlier...
"Ok lang... Kelan ba..." sabi ni Franz.
Ako naman ung nagulat sa sagot nya. Pumayag sya agad? Ng ganun ganun lang???
"Ok lang naman Franz, kung di ka pwede... It's not your responsibility to do so... Kaya na namin ng grupo yun..."sabi ko.
"Di ba sabi ko ok lang? What are you worrying about?"sagot nya.
Naka tingin lang ako sa kanya. Grabe, anu nga bang pinag aalala ko? Eh tutulungan na nga nya kami. Pero nakakahiya kase andami ko ng atraso sa kanya, tulad kanina...
"Tita, uuwi na po muna ako... Thank you po sa accomodation..."tumayo sya at nagbeso kay Mama.
"Thank you din sa pagtulong mo kay Angela Franz..." sagot ni Mama.
"Nice to meet you Roy..." sabi nya kay Roy. Tumango lang si Roy sa kanya.
Grabe... Ang hirap pag nasa awkward moment ka...
"Angela..."tawag nya sakin.
Muntik ko pang di marinig ung tawag nya dahil busy ako sa pag iisip kung anu irarason ko sa kanya oras na magtanung sya...
"Ha?"sagot ko.
"Uwi muna ako... Text mu na lang ako kung what time yung gig mamaya..."sabi nya. Naka ngiti lang saken.
"Gig?" tanong ko. Nakalimutan kong may gig nga pala ngaun. Quarter to eight na.
"Ok sige... Ingat."sabi ko.
Tumayo na si Mama sa sofa at tinawag si Kuya sa kwarto nya paea sabihing aalis na si Franz.
Naka upo parin ako at si Roy nasa tapat ko.
"Sige boi, salamat... Oo, hahatid ko yan mamaya. Salamat ulit..."Narinig kong sabi ni Kuya kay Franz habang hinahatid nya yon palabas ng bahay.
"May tugtog pala kayo ngayon? Nakaka pag review ka pa ba? Malapiy na Finals..."sabi ni Roy.
Tumayo na ako sa inuupuan ko.
"Jan ka lang muna Roy ha, sumabay ka na samin ni Kuya mamaya palabas, mag aayos lang ako, may tugtog nga pala kami ngayon..." nagmamadali na akong umalis paakyat ng hagdan.
Nang mangalahati na ako ng panhik, bumaba ako ulit at sinilip si Roy sa sala.
"Basta, stay put ka lang jan... Usap tayo mamaya... 15mins lang... Ok?" sabi ko at tumango naman saken si Roy.
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Novela JuvenilMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)